Nanay ng kilalang singer walang utang na loob: Mahiya ka naman sa anak mo!!!

By Cristy Fermin September 25,2018
share this

Nanay ng kilalang singer walang utang na loob: Mahiya ka naman sa anak mo!!!

By Cristy Fermin September 25,2018
share this


PARANG hinalong dayami na naman sa kabukiran ang nagaganap na gulo sa pagitan ng pamilya ng isang pamosong singer. Kani-kanyang batuhan sila ngayon nang masasakit na salita sa social media.

Talagang ipinagbabanduhan pa nila sa publiko ang kanilang mga baho, wala silang preno, amoy na amoy ng buong bayan ang kanilang hidwaan.

Pero sa takbo ng kanilang gulo ay mas maraming pumapabor sa anak kesa sa kanyang nanay. Maraming kaibigan din ng pamilya ang nagsasabing hindi ang anak ang walang utang na loob, kundi ang kanyang ina, alam kasi nila ang istorya ng pamilya.

Kuwento ng isang source, “Napakalakas ng loob ng nanay na sabihing walang utang na loob ang anak niya, e, siya nga itong ni hindi marunong magpahalaga sa mga nagawa ng anak niya sa pamilya nila!

“Wala naman siyang kahirap-hirap sa naging success ng anak niya, wala siya nu’n sa eksena, pumasok na lang siya nu’ng kumikita na ang anak niya!” inis na chika ng nasabing impormante.

Pinagpistahan sa isang malaking umpukan ang pagiging sosyalera ng nanay ng singer. Palibhasa’y kumikita na nga ang kanyang anak, nagsamantala naman si mommy, puro mga branded na kagamitan ang ipinabibili nito sa kanyang anak.

“Nakakaloka ang nanay na ‘yun, ang dami-dami niyang paninira sa anak niya, e, nu’ng malakas pang kumita ang anak niya, e, puro pangsarili lang naman ang alam niya!

“Humahagok na sa hirap kumanta ang anak niya, gusto nang sumuko sa kabibirit, pero ano naman ang pinagkakaabalahan niya? Shopping kung shopping si mommy!

“Wala siyang ginawa kundi ang mag-shopping ng mga branded bags na dati, e, pinapangarap lang niya! Inaasikaso ba niya ang anak niyang nag-aakyat ng milyones sa kanila?

“Ano ang nangyari sa kinita ng anak niya, biglang naging bula, hindi niya maipaliwanag kung saan na napunta! Tapos ngayon, e, napakalakas ng loob niyang sabihin na walang utang na loob ang anak niya?

“Hello! Mahiya naman siya! Kung sana, e, walang mga nakakaalam ng kuwento ng buhay ng family nila! Magtigil siya, hanggang dakdak at post lang naman siya ng kung anu-anong kasinungalingan!” inis na pagtatapos ng chikadora naming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo pa kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending