Female personality wais sa pera, lahat ng gastos sa pamilya dinadaan sa ex-deal

By Cristy Fermin September 24,2018
share this

Female personality wais sa pera, lahat ng gastos sa pamilya dinadaan sa ex-deal

By Cristy Fermin September 24,2018
share this

KILALANG-KILALA ang isang kilalang female personality sa taguring Ms. X-Deal. Sa kahit anong okasyon sa kanyang buhay ay maparaan ang babaeng personalidad, hindi siya nagla-labas ng sarili niyang pera, puro mga sponsors ang sumasagot sa kanta ng kanyang mga pangangailangan.

Ibang klase siya, sabi ng mga tunay na nakakakilala sa kanya, talagang gagawin niya ang lahat para hindi masaktan ang kanyang bulsa.

“Grabe kung pumaraan ang babaeng ‘yun! Sabihin n’yo na ang lahat ng klase ng okasyon sa buong mundo, naise-celebrate niya yun nang wala siyang gastos.

“Ikinasal siya, ex-deal ang catering niya. Nanganak siya, ex-deal pa rin ang ospital kung saan siya nanganak. Nagbe-birthday ang mga anak niya, dyusko, ex-deal pa rin ang lahat ng handa sa okasyon!

“Ganu’n siya katindi, talagang wala siyang hi-nuhugot na datung sa sarili niyang bulsa, maparaan talaga si ____ (pangalan ng mahilig sa ex-deal na female personality)!” unang chika ng aming impormante.

Meron naman siyang gagastusin, may hanap-buhay naman ang mister niya, pero kung bakit napakahilig talaga ng babaeng personalidad sa libre lang.

Kuwento uli ng aming source, “Nu’ng very active pa siya sa TV, e, meron siyang mga kinuhang ex-deal sa programa niya. Kumustahin n’yo kung ano’ng nangyari sa mga shops na kinuha niyang ex-deal?

“Wala na, nagsipagsarado na, dahil kung makapaghakot siya ng mga produkto, e, parang may tindahan siya! Nilalanos niya talaga ang shop na ka-ex-deal niya, ‘yung halos wala nang natitira sa kadadampot niya!

“Ang tanungan nga ng mga katrabaho niya, ang school na pinapasukan ng mga anak niya, ex-deal din kaya? Kinausap niya kaya ang pamunuan ng school ng mga anak niya na promotion na lang ang katapat na tuition fee ng mga anak niya?

“Pati nga airfare nilang mag-asawa kapag nangi-ngibang-bansa sila, e, nakakaya niyang gawan ng paraan para maging ex-deal na lang, ‘yung sa school pa kaya ang hindi?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sobrang babaw na lang talaga n’yo kapag hindi n’yo pa natumbok kung sino ang female personality na ito, sobrang babaw n’yo na lang talaga kapag nakalusot siya sa inyo!” pagtatapos na chika ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending