Vice kay Tito: ‘Ang ma-traffic ng dahil sa ‘yo! Mas keri ba?’
NAG-REACT si Vice Ganda sa suggestion ni Senate President Tito Sotto na palitan ang last line sa Pambansang Awit ng Pilipinas.
“E kung palitan na lang yung last line ng national anthem ng ‘Ang matraffic ng dahil sa’yo??!! Mas keri ba?” tweet ni Vice.
Ang daming nag-agree kay Vice at may mga nam-bash kay Tito Sen.
“Pwede din nman. Kc yan nman tlga ang nakakamatay eh. Ung sobrang trapik. Ung madaling madali ka tapos aabutin ka ng syam syam sa gitna ng kalsada. Haysss.”
“Ang dameng bagay na dapat pagtuunan ng pansin gaya ng inflation. Wag nang pakialaman national anthem. Focus nalang dapat sa mga bagay na makakapag ayos ng pamumuhay ng pamilyang pilipino. Just saying.”
“Ateng daming issue ng Pinas. Pati talaga national anthem kelangan pakiaalaman. God bless Philippines.”
“Dami kasing alam ni Sotto. Di na lang pagtuunan ng pansin yung totoong issue ng bayan ngayon. Mukhang nililihis na naman nila ang mamamayan sa tunay na issue ng bayan.”
q q q
Gretchen Barretto’s only daughter, Dominique, is one sweet young lady.
One week nang may sakit si La Greta and she advised her daughter not to come near her kasi baka mawaha siya ng kanyang sakit. But one morning, she woke up sa mga halik ni Dominique. Isn’t that sweet.
But hey, here’s something sweeter. Binigyan pa ni Dominique ng Gucci purse and Tom Ford make-up ang kanyang mother dear.
“I’ve been nursing a bad cold & cough for a week now, I’ve been telling my little one @dominique to not come close to me so she won’t get sick.
“I woke up to my baby Dominique on top of me, kissing my face loads of times & she gave me these surprises, a purse & Tom Ford make up, oh what a baby,” caption ni La Greta sa short IG video niya.
Agad-agad namang nag-react ang mga social media followers ni La Greta, all of them were praising her daughter’s sweet gesture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.