Lani naka-relate sa pagiging anak sa labas ni Luigi Revilla: Wala po siyang kasalanan! | Bandera

Lani naka-relate sa pagiging anak sa labas ni Luigi Revilla: Wala po siyang kasalanan!

Cristy Fermin - September 23, 2018 - 12:20 AM


GINTO ang puso ni Mayor Lani Mercado. Bukod sa pagiging martyr ng aktres-pulitiko sa kanyang mga pinagdaanan sa mga pampamilyang isyu ay lutang na lutang ang kabutihan ng kanyang puso.

Si Luigi, ang bumibida sa isang episode ng pelikulang “Tres”, ay anak ni Senador Bong Revilla sa ibang babae. Hindi ‘yun lihim kay Mayor Lani. Nasaktan siya, iniyakan niya ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ng kanyang asawa, pero hindi niya idinamay si Luigi sa senaryo.

Dalawang taon pa lang si Luigi nang makita ito ni Mayor Lani sa lamay ng kanyang biyenang si Mommy Azucena, nagpasintabi naman ang mag-ina na sisilip sa burol, pero naramdaman pa rin ng aktres ang panginginig ng katawan na ordinaryong nararamdaman ng mga tunay na misis na may natutuklasang ebidensiya.

Pero mas nanaig pa rin ang kadakilaan ng puso ni Mayor Lani, kinarga niya si Luigi, dahil wala nga namang kasalanan ang bata sa pangyayari. Hindi nakapamimili ng magulang ang mga anak.

Bago pala siya ay ang ina muna ni Luigi ang karelasyon ni Senador Bong, humugot ng pang-unawa si Mayor Lani sa katotohanang ‘yun, kaya mabilis niyang natanggap si Luigi.

At dagdag pang paliwanag ni Mayor Lani, siya man ay produkto ng ikalawang pamilya ng kanyang ama, pero tulad ni Luigi ay tinanggap din siya ng mga kapatid niya sa orihinal na pamilya ng kanyang tatay.

Nanalamin lang siya sa sitwasyon ni Luigi na kailanman ay hindi naramdaman na iba ang kanyang nanay sa sobrang makataong pagtanggap sa kanya ni Mayor Lani Mercado.

Napakabuting puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending