‘Bagay palang maging manyak at kaliweteng asawa si Sam Milby!’

By Reggee Bonoan September 23,2018
share this

‘Bagay palang maging manyak at kaliweteng asawa si Sam Milby!’

By Reggee Bonoan September 23,2018
share this


APEKTADO ang ilang supporters ni Sam Milby sa karakter niya sa Kapamilya serye na Halik bilang si Ace.

Wala raw kasi itong ginawa kundi tuksuhin si Yam Concepcion na gumaganap bilang si Jade na asawa naman ni Lino (Jericho Rosales). Si Yen Santos naman bilang Jacky ang asawa ni Sam sa kuwento.

Halo ang nababasa naming reaksyon tungkol kay Sam, may mga natatawa dahil bagay daw pala sa binata ang maging manyak at bilang kaliweteng asawa. At least daw hindi parating good boy ang role niya.

Ito pala ‘yung sinasabing “wild kisser” raw ang aktor base sa kuwento nina Yen at Yam sa grand presscon ng Halik.

Ang kawawa ay si Yam dahil halos lahat ng komentong nabasa namin ay negatibo, tinatawag siyang “haliparot”, “malandi’, “social climber”, “maarte”, “nakakadiri” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Isa lang ang ibig sabihin nito, epektibo ang aktres sa ginagampanan niyang karakter.

Marami namang naawa kay Echo bilang si Lino, may mga nagsabing, “Akin ka na lang Lino. Malandi naman yang si Jade!”

Wala naman kaming nabasa pa tungkol kay Yen dahil bait-baitan pa siya sa umeereng mga episode. Wala pa kasi siyang alam na may ginagawang kababalaghan ang asawa niyang si Sam at asawa naman ni Echo na nakarelasyon niya noon.

Anyway, lumabas na ang karakter ni Ria Atayde last week bilang si Baste at nahuli nga niyang “nagmake-out, make-out” sina Sam at Yam sa kama na isa sa mga model unit ng condo na ibinebenta ng huli.

Naloka si Ria kaya nag-iba ang tingin niya sa dalawa na ikagugulat ng lahat dahil magiging boss pala ng dalaga si Echo na asawa ni Yam.

Going back to Sam’s character, lihim pala siyang galit kay Echo dahil alam niyang ex nito ang asawang si Yen at ginagamit lang si Yam para gantihan siya.

Abangan ang mga susunod pang eksena ng apat na bida ng Halik pagkatapos ng Ngayon At Kailanman sa ABS-CBN mula sa RSB unit sa direksyon nina Carlo Po Artillaga, Ludwig Peralta at Cathy Camarillo.

Samantala, ano kaya ang reaksyon ni Sam sa sinabi ng sexy actress at dating Viva Hot Babes na si Sheree na gusto siya nitong ipinta nang hubo’t hubad.

May exhibit kasi si Sheree sa Okt. 3 sa Got Heart Gallery along White Plains.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending