OFWs pinag-iingat versus kwestyunableng investment scheme | Bandera

OFWs pinag-iingat versus kwestyunableng investment scheme

Liza Soriano - September 21, 2018 - 12:10 AM

PINAYUHAN ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga tao o kompanya na nag-aalok ng “high-yielding” investment ng walang kinakailangang permit mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Isang grupo ng OFW sa Damman at Al Hassa sa eastern province ng Kingdom of Saudi Arabia ang nag-ulat na sila ay ni-recruit ng Sangguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII), isang Philippine-based non-profit organization at hinikayat silang mamuhunan sa ALMASAI Finance and Investment (ngayon ay ALMASAI Equity Holding Corporation).

Sinabi ng mga OFWs na sila ay kinailangang maglagay ng inisyal na puhunan na P50,000 na may tiyak na interes na limang porsyento kada buwan.
Nag-isyu umano ang ALMASAI ng 13 post-dated check – 12 tseke para sa buwanang kita ng kanilang puhunan at ang ika-13 tseke ay bilang kabayaran sa kanilang inilagay na kapital.

Ang ALMASAI, na ang tanggapan ay nasa EDSA, Barangay Socorro, Murphy, Cubao, Quezon City at naiulat na pagmamay-ari ng isang Elpidio Reyes Tanaliga Jr.

Ang mga manggagawa, matapos maglagay ng puhunan na umabot sa P100 milyon, ngayon ay nagrereklamo na hindi na sila nakatatanggap ng ipinangakong interes at nawalan na rin ng komunikasyon kay Tanaliga.
Kanilang sinabi na ang tseke na umanoý inisyu sa kanila para sa kanilang buwanang kita ay hindi tinanggap ng banko dahil sa kakulangan sa pondo.

Sa Securities and Exchange Commission, hindi nakarehistro ang ALMASAI Finance and Investment bilang corporation o bilang partnership at hindi rin naisyuhan ng secondary license bilang broker at/o dealer ng securities, dealer ng government securities, investment adviser ng isang investment company, at investment house and transfer agent.
Hindi ito nagsumite at wala rin itong pending application sa Commission para sa primary at secondary license.

Ang ALMASAI Equity Holdings Corp. bagamat nakarehistro ito sa Commission bilang corporation, ay hindi awtorisadong mangalap ng investment mula sa publiko dahil ang nasabing kompanya ay hindi kumuha ng kinakailangang secondary license o permit mula sa Commission na hinihiling sa ilalim ng Sections 8 at 12 ng Securities Regulation Code (SRC).
Nagsagawa rin ito ng ultra vires act, o higit sa binigay sa kanyang kapangyarihan o karapatan, sa pagsasagawa ng negosyo na hindi naayon sa layunin ng korporasyon, na nangangahulugan ng pagsisinungaling batay sa Presidential Decree 902-A.

Una nang pinaalalahanan ng SEC ang publiko na huwag mamuhunan sa ganitong uri ng investment scheme na sa kalaunan kanilang malalaman na panloloko.

Sinabi ng SEC na ang mga nagyayaya o nagre-recruit ng mga tao para sumali o mamuhunan sa ganitongpakikipagsapalaran o mag-alok ng investment contract o securities sa publiko kasama ang pag-solicit o pag-recruit gamit ang Internet, ay maaaring masakdal at makasuhan sa ilalim ng Section 28 ng Securities Regulation Code.
Ang multa ay P5 milyon o 21 taong pagkakakulon o pareho ayon sa Section 73 ng SRC.

Hinihimok ng Commission ang sinuman na may nalalaman o impormasyon tungkol sa ganitong operasyon o tungkol sa anumang negosyo na may kinalaman sa securities o investment na agad itong iulat sa Commission para mabigyan ng tamang aksyon ng Enforcement and Investor Protection Department na may telepono bilang 818-6337 o 818-1898 o mag-email sa [email protected] .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending