Bag ni Maine sinira sa loob ng tent: Hay naku, inano ba kita!?

By Ervin Santiago September 21,2018
share this

Bag ni Maine sinira sa loob ng tent: Hay naku, inano ba kita!?

By Ervin Santiago September 21,2018
share this


SINO nga kaya ang nag-trip at sumira sa bag ni Maine Mendoza?

Ibinahagi ng Dubsmash Queen sa kanyang Instagram followers ang nangyari sa kanyang pink bag na iniwan niya lang sandali sa isang tent.

Siyempre, shookt (read: shocked) si Meng nang makita niyang sira ang isang bahagi ng kanyang bag.

“Leaving your bag inside the tent (for a few mins) and coming back to this… To whoever did this, hay nako inano kita? Lol,” ang sey ni Maine sa kanyang Instagram Stories.

Habang sinusulat namin ang balitang ito wala pang ibinibigay na update ang dalaga tungkol sa insidente at kung sino ang taong sumira sa kanyang bag. At siyempre bad trip din ang fans ni Maine sa nangyari.

Ayon sa ilang IG followers ni Maine, baka raw may isang taong gusto lang siyang inisin at ang bag niya ang napagdiskitahan. Binalaan naman ang dalaga ng kanyang fans na doblehin ang pag-iingat dahil baka sa susunod ay hindi lang bag niya ang sirain ng suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending