Sex tips ni Mocha Uson talbog ang Kamasutra

By Ronnie Carrasco III September 22,2018
share this

Sex tips ni Mocha Uson talbog ang Kamasutra

By Ronnie Carrasco III September 22,2018
share this

MOCHA USON

KABOG ang kamasutra sa “sex education” video na natisod namin kung saan along with a female lecturer kuno ay iminumuwestra ni Mocha Uson ang iba’t ibang paraan ng pagtatalik.

Sa simula ng video ay makikitang meron silang hand prop. Rubber-made ‘yon na may butas simulating the vaginal entry, kung saan itinuturo nila kung paanong ipinapasok ang daliri to arouse the female partner.

Maya-maya’y parang meron silang syllabus on the various positions, una roon ay ang tinawag nilang “cowgirl” kung saan umiibabaw ang babae sa kanyang katalik at ginawa ang kanyang dapat gawin, paharap at patalikod.

Natawa kami sa sey ni Mocha at ng kasama niyang babae, “Sayang, walang lalaki.” Meaning, mas bongga sana ang kanilang lesson kung may actual male sexmate.

Agad naming naikunek ‘yon sa serye ng mga balahurang video ni Mocha: Una, ang ipepe-idede-ralismo info drive niya followed by another means of driving home the point through sign language na hinaluan din ng kabastusan.

At eto na nga, ang out-and-out demo ng kangkangan na sana’y nilubus-lubos na ang pagtuturo. Kinarir na sana ni Mocha nang bonggang-bongga ang sex tips na ‘yon sa pamamagitan ng hardcore porn, tutal naman ay halos i-execute na niya.

Sa kabila ng mga kahihiyang iniaakyat ng hitad na ito sa Duterte administration na ginagawa na nga ang lahat ng makakaya para tugunan ang mga problema ng bansa, eto ang isang opisyal na pinasasahod mula sa buwis ng taumbayan pero puro kabalahuraan lang ang inaatupag.

May cowgirl position pang nalalaman. Mahiram nga ang lubid nang masilo sa leeg ang hitad na ito hanggang hindi makahinga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending