UMABOT na sa 88 ang bilang ng mga naitalang nasawi dahil sa bagyong “Ompong,” ayon sa mga otoridad Huwebes.
Nadagdagan ng anim ang bilang ng nasawi sa Cordillera kaya umakyat sa 72, at mula sa dalawa’y tatlo na ang naitalang nasawi sa Central Luzon, ayon sa ulat ng National Police.
Ang iba pang nasawi’y naitala sa Ilocos region (1), Cagayan Valley (10), at Metro Manila (2).
Sa kabuuang 64 pang nawawala, 60 ang mula sa Cordillera, ayon sa pulisya.
Inulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na bukod sa pinsala sa agrikultura’y nakapagtala na ng pinsala sa imprastruktura, kung saan P2.36 bilyon ang inisyal na halagang naiulat.
Hiwalay pa dito, umabot na sa 3,610 bahay ang naitalang nawasak at 40,989 ang napinsala, ayon sa NDRRMC.
Nadagdag naman sa listahan ng mga nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Luna at lalawigan ng La Union, lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur, at bayan ng San Fabian sa Pangasinan.
Nasa 139,609 katao pa ang nananatili sa mga evacuation center sa iba-ibang bahagi ng Luzon, dahil sa bagyo, ayon sa NDRRMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.