6 patay, 60 nawawala sa landslide sa Cebu | Bandera

6 patay, 60 nawawala sa landslide sa Cebu

John Roson - September 20, 2018 - 05:33 PM

 

 

ANIM katao ang naiulat na nasawi, siyam ang nasugatan, at tinatayang mahigit 60 ang nawawala dahil sa pagguho ng lupa sa Naga City, Cebu, Huwebes ng umaga. Naitala ang mga naturang bilang alas-12 ng tanghali, at patuloy pa ang pagsasagawa ng search and rescue operations, sabi ni Concepcion Ornopia, direktor ng Office of Civil Defense-Central Visayas. Naiulat sa mga lokal na otoridad ang landslide, na nakaapekto sa Sitio Sindulan, Brgy. Tina-an, at bahagi ng Brgy. Naalad, dakong alas-6. “Due to heavy rains, part of the mountain in Sitio Sindulan eroded and completely covered houses wherein occupants were trapped inside,” sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Tinatayang 20 bahay ang natabunan sa Sitio Sindulan at apat pa sa naapektuhang bahagi ng Brgy. Naalad, aniya. Pinangangambahang aabot pa sa 30 ang bahay at 64 katao ang natabunan, sabi naman ni Ornopia. Apat sa mga nasawi’y nakilala bilang sina Beatrice Hope Chavez, 4; Olivia Moral, 63; Abel Lobiano, 40; at Romeo Jabonilia, 40. Nakilala naman ang apat sa mga sugatan bilang sina Rose Ann Lobiano, 40; Christopher Cemeller, 44; Nestor Capoy, 52; at Junalyn Siton, 16. “Under investigation [pa ang cause] kasi ang area ay nasa Apo Cement [compound] eh, kung contributory ang quarrying,” sabi ni Ornopia sa mga reporter.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending