Marco Gumabao naglagay ng pipino sa swimming trunks para ‘bakat na bakat’ | Bandera

Marco Gumabao naglagay ng pipino sa swimming trunks para ‘bakat na bakat’

Ervin Santiago |September 20,2018
facebook
share this

Marco Gumabao naglagay ng pipino sa swimming trunks para ‘bakat na bakat’

Ervin Santiago - September 20, 2018 - 12:25 AM


DIRETSO namang inamin ng hunk actor na si Marco Gumabao na naglagay talaga siya ng pipino sa loob ng kanyang swimming trunks para magmukhang malaki ang kanyang hinaharap.

Nangyari ito sa shooting ng pelikang “Abay Babes” kung saan kinunan ang eksenang umahon siya sa swimming pool at bakat na bakat ang kanyang private part. Isa ito sa mga pasabog na eksena sa pelikula.

Sa presscon naman ng “Para Sa Broken Hearted” natanong ang binata tungkol dito, “Nahiya nga ako, e. Ha-hahaha! Siyempre, hindi totoo yun. Joke-joke na lang. Nilagyan ng cucumber kasi comedy, e.

“Okey lang naman, walang problema. It’s for the movie, di ba? At least natawa kayo, yun naman talaga ang point namin. Kailangan sobrang exaggerated,” natawang chika ng hunk actor.

Sundot na tanong sa kanya kung ano ang ginawa sa pipino pagkatapos ng shooting? “May kumain. Ha-haha! Joke! Hindi ko na alam!”

Inamin din ni Marco na marami siyang natatanggap na indecent proposals sa social media mula nang magpa-sexy siya, “Sa personal, walang indecent proposals. Siguro nahihiya sila sa akin. Marami sa IG, pero I don’t count that as indecent proposal.

“Hindi ko naman napi-feel na nababastos ako because ipinost ko, e. I-expect ko na may comments na ganoon. Happy ako na na-appreciate nila,” ani Marco na muli ngang magpapasilip ng kaseksihan sa pelikulang “Para Sa Broken Hearted”.

Gagampanan niya ang karakter ni RJ ay isang varsity player na may matamis na dila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending