P650.8M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 wala pa ring tumama

By Leifbilly Begas September 19,2018
share this

P650.8M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 wala pa ring tumama

By Leifbilly Begas September 19,2018
share this

WALANG nanalo sa P650.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Ayon Philippine Charity Sweepstakes Office hindi natayaan ang winning number combination na 04-35-50-08-47-44.

Posible namang umakyat sa P675 milyon ang jackpot sa bola nito sa Biyernes.

Noong pang Pebrero 18 walang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumobo na ito.

Nanalo naman ng tig-P275,900 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P2,490 naman ang 2,036 mananaya na nakakuha ng apat na numerong lumabas at P20 ang tinamaan ng 52,997 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending