Nanay ni Jake Zyrus may hiling para sa inang nasa ICU | Bandera

Nanay ni Jake Zyrus may hiling para sa inang nasa ICU

Ervin Santiago |September 19,2018
facebook
share this

Nanay ni Jake Zyrus may hiling para sa inang nasa ICU

Ervin Santiago - September 19, 2018 - 12:40 AM

HUMILING ang nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco sa mga netizens na ipagdasal ang inang si Tess Relucio.

Nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang ospital ang lola ni Jake, ayon sa status ni Raquel sa kanyang Facebook account kahapon ng umaga.

Ayon sa ina ni Jake napatiran daw ng ugat sa ulo si Lola Tess. Hiling ni Raquel na sana’y magparamdam ang paboritong apo ng matanda bilang moral support.

Sey ni Raquel sa post niya, “Please pray for her… She’s in the ICU right now… (napatiran ng ugat sa ulo).
“Masama man akong anak sa tingin niya wala akong magagawa Nanay ko pa rin xa…sana magparamdam ang paborito nyang apo, ngayon xa kylangan nito… #PRAYFORHER,” dagdag nito.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa kaming nababasang tugon ni Jake sa pakiusap ng kanyang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending