Darla Sauler, Carlo Aquino matindi ang epek sa socmed | Bandera

Darla Sauler, Carlo Aquino matindi ang epek sa socmed

Reggee Bonoan |September 19,2018
facebook
share this

Darla Sauler, Carlo Aquino matindi ang epek sa socmed

Reggee Bonoan - September 19, 2018 - 12:35 AM

SA nakaraang launching ng Beautefy by Beautederm store sa Alimall, Cubao ay tinanong namin ang Presidente at CEO nitong si Rei Tan tungkol sa sikreto ng kanyang tagumpay.

Paano nga ba lumaki nang husto ang negosyo niya na umabot na sa 41 physical store sa Pilipinas pa lang at sobrang lakas din nila sa online sa buong mundo.

“Aksidenteng negosyo lang po ito, ako kasi ordinaryong probinsyana na sobrang dami ng pimples, siyempre hindi naman ako against sa mga may ipinagagawa, sa amin sa probinsya ang sabi nila, pang-mayaman lang ‘yun kasi nga wala kang pera.

“Dati kasi DJ ako, so nagtatago lang ako sa booth lagi, kasi nga nahihiya ako sa mukha ko plus maitim pa ako. Dati akong trainor sa Avon (Cosmetics) at sa expose ko sa mga dealer at chemist bago naman na-perfect, nakaapat po akong chemist,” pag-alala ni Ms. Rei.

Dagdag pa niya, “Importante rin m kasi sa negosyo ay ang marketing. Ang dami diyan artista, negosyante na labas lahat ang pera, after a while wala na, kasi ang sikreto talaga ng business ay marketing, kung wala nito, mamamatay talaga ang negosyo.

“I started 2009 at kumuha lang ako ng mga kaibigan kong puwedeng mag-promote like sina Rochelle (Barameda) at Alma (Concepcion) pero hindi ako nagbayad sa kanila, this is all real testimonies nila na sinasabing hindi sila tumatanda.

“So nu’ng time na kinuha ko si ate Sylvia (Sanchez) may pera na ako, established na ako. Ayoko kasing i-risk ‘yung pera ko for alam mo ‘yun tapos matatalo ka,” aniya.

Sundot namin, simula noong kinuha niya si Sylvia ay lumakas at mas lalong nakilala ang Beautederm products, “Seven years na po (nu’ng kinuha ang aktres), kilala na rin naman kami pero nu’ng kinuha ko na si ate Sylvia siyempre may pambayad na ako ng talent fee.

“Nu’ng si ate Sylvia na, mas nakilala na nang husto sa mainstream, nadagdagan ang market kasi sa showbiz, konti lang ang market ko. That time rin po, si ate Shyr (Valdez) talaga ang kaibigan ko, sabi niya si ate Sylvia raw kunin ko kasi kainitan ng The Greatest Love, so right timing na kunin siya kasi natural beauty din si ate Sylvia.

“Hanggang sa nagkasunud-sunod na ang pagsulpot ng 41 physical stores. Malakas po sa online, meron din sa Lazada, Shopee. Pag check n’yo po sa online ang Beautederm, lahat po ‘yan ako ang distributor. Lahat po ng nag-physical stores ay nag-online (sellers) muna. I trained them to become businesswoman,” ani Ms. Rei.

At ang maganda pa sa may-ari ng Beautederm ay hindi siya humihingi ng franchise fee, “Ano po kasi naaawa ako sa mga negosyante kasi babayaran pa niya ako, mayroon pa akong royalty fee buwan-buwan, e, akin naman naman lahat ‘yang mga produkto so, bakit ko pa pahihirapan ‘yung tao monthly. Gusto ko laging good karma po,” paliwanag pa niya.

Isa pa sa nakakatulong sa sales and marketing nila ay ang paggamit ng social media influencer tulad ni Darla Sauler na aminadong marami siyang pimples rati at ngayon ay nawawala na at marami nga rin ang nakapansin.

“Si Darla po ang pinakamalakas na kapag nag-post na, ang dami ng inquiries at maraming nakapansin. Sa artista po kasi, magaganda na talaga ang kutis nila, e, si Darla hindi naman artista kaya napapansin kaagad kapag may nabago sa mukha niya. At si Carlo (Aquino) kapag nag-post din at sila ang dala ko, patay na, sobrang lakas, silang tatlo nina ate Sylvia,” say ni Ms. Rei.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa ginanap na Beautefy launching mula basement hanggang 4th floor ng Alimall ay punumpuno ng tao dahil tuwang-tuwa sila sa mga artistang naroon tulad nina Sylvia, Shyr, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Alma Concepcion, Matt Evans, Carlo at Darla.

Dalawa sa mga nabanggit ay may sarili ng beautederm business tulad nina Sylvia na nasa Butuan City kasosyo ang anak na si Ria Atayde at ilang kaibigan at si Matt na may BeauteLab na sa Farinas Trans Terminal, A.H. Lacson, Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending