Lovers patay sa LQ

By John Roson September 18,2018
share this

Lovers patay sa LQ

By John Roson September 18,2018
share this

NASAWI ang isang lalaki nang magbaril matapos umanong barilin ang kinakasamang babae, sa Calaca, Batangas, iniulat ng pulisya Martes.

Natagpuan na lang na mga walang buhay sa kanilang tahanan sina Manuel Montero at Analyn Belmonte, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa pagitan ng alas-11 ng gabi Linggo at alas-4 ng umaga Lunes, sa Brgy. Lumbang na Matanda.

Lumabas sa imbestigasyon na nagtalo sina Montero at Belmonte, kaya binaril ng una ang babae gamit ang kanyang kalibre-.9mm pistola.

Matapos iyo’y nag-suicide si Montero sa pamamagitan ng pagbaril sa sariling ulo.

Natagpuan sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng kalibre-.9mm at ang baril na ginamit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending