Brillante Mendoza binigyan ng trabaho si Baron; bawal ang alak sa shooting
SASABAK muli sa isang international film festival ang award-winning actor na si Allen Dizon. In competition ang latest movie niya na “Alpha, The Right To Kill” under Direk Brillante Mendoza sa 66th San Sebastian International Film Festival sa Spain na magsisimula sa Set. 21 hanggang 29.
Makakalaban ni Allen dito for Best Actor ang mahuhusay na artista from different countries.
“Sarap ng pakiramdam dahil marami ang makakapanood. Marami ang mga festival na pwedeng salihan, saka at least may magre-release ng movie namin sa ibang countries,” lahad ni Allen nu’ng makausap namin sa presscon ng “Alpha”.
Hindi lang daw tungkol sa drugs ang tema ng “Alpha” at ibang-iba sa mga pelikulang sunud-sunod na naglabasan na may kaugnayan sa illegal drugs.
“Dito pinakita ‘yung operation kung paano ‘yung mga malalim pa sa mga pinapakita nila about drugs. Dito kung ano talaga ‘yung nangyayari na talamak, mga corrupt na pulis. Paano nila binebenta ‘yung drugs na nakukuha nila sa mga raid,” kuwento ng aktor.
Samantala, umani ng magandang reviews ang episode ni Allen with Meryll Soriano sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas two Saturdays ago.
Three days nag-taping si Allen para sa MMK episode nila at muntik pang umabot ng araw. Nag-uulan kasi noon kaya medyo nahirapan si Allen.
Na-meet daw niya ‘yung husband na ginampanan niyang karakter sa programa ni Charo Santos sa taping at hindi siya makapaniwala na may lalaking tulad niya na martir kung magmahal sa asawa.
q q q
Speaking of Direk Brillante, sasali siya sa unang pagkakataon sa San Sebastian International Film Festival bilang direktor. May nauna na siyang pelikula na lumaban doon pero bilang producer.
Pero hindi pa man naipapalabas sa festival ang “Alpha” ni Direk ay may kumuha na agad sa pelikula niya na isang international film distributor para ipalabas sa iba’t ibang bansa. Malaking bagay daw ito for the film industry.
“Kapag nag-uumpisa ka pa lang as a filmmaker, ‘yung ma-distribute ang film mo hindi mo pa masyadong iniisip ‘yun, e. Ang gusto mo lang talaga-mag-festival. Pangalawang iniisip mo, manalo ng award. But eventually, siyempre, pang-13th year ko na yata this year, pang-ilang pelikula ko na ‘to, so, ang gusto mo rin umiikot ang pelikula mo,” pahayag ni Direk Brillante.
Ni-reveal naman ni Direk Brillante na uupo uli siya bilang member ng jury sa susunod na Cannes Film Festival. Pero bago ‘yan, proud naman kami na ni-reveal niya sa amin first that he will be the president of the jury sa Tokyo International Film Festival.
Then on December he will be given a tribute sa Cairo Film Festival at magbibigay din ng master class doon.
Going back to “Alpha,” bukod kay Allen kasama rin dito sina Baron Geisler at Elijah Filamor. So, ‘di true na walang trabaho si Baron ngayon.
“Baka kasi nasa ano siya, nagre-rehab siya, ‘di ba? Ginawa niya ang movie namin bago siya umalis (Cebu). Pero nagko-communicate naman kami, madalas,” lahad pa niya.
Okey naman daw si Baron sa rehab ayon kay Direk Brillante, “Wala akong problema sa kanya sa set namin. Hindi ko na kukunin ‘yan kung may problema ako.
“Siguro it’s how you deal with the person. Minsan it’s how you deal with them. I mean, you respect the actor. You respect them as a person,” esplika niya.
Bawal na bawal din daw ang alak sa set ni Direk Brillante, “Pinagbawal ko. Sabi ko sa kanya, ‘Baron, bawal uminom sa set. Ayaw kong may umiinom sa set.’ Kasi wala namang umiinom sa set. Hindi kami allowed.”
Istrikto rin daw siya pagdating sa oras ng shooting, mula raw ng maging direktor, never pa raw siyang natapos ng madaling araw sa shooting. Most of the time hanggang 8 p.m. lang daw siya at ang pinaka-late na ay 10 p.m..an
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.