ABS-CBN Studio XP waging-wagi sa media at sa mga Kapamilya | Bandera

ABS-CBN Studio XP waging-wagi sa media at sa mga Kapamilya

Ervin Santiago |September 18,2018
facebook
share this

ABS-CBN Studio XP waging-wagi sa media at sa mga Kapamilya

Ervin Santiago - September 18, 2018 - 12:35 AM


TANGING si Coach Sarah Geronimo lang ang hindi umikot nang sumabak kami sa blind auditions ng The Voice. In fairness, bumilib sa boses namin sina Coach Bamboo, Lea Salonga at Sharon Cuneta.

Hahahaha!

Na-evict naman kami sa Bahay ni Kuya dahil hindi namin natapos ang napakahirap na task na ipinagawa sa amin ni Big Brother. Nakakaiyak pala talaga ang mapalayas sa PBB house.

Yan ang ilan sa mga na-experience namin sa ginanap na media day para sa launching ng ABS-CBN Studio Experience, o Studio XP sa Ayala Malls TriNoma na pormal nang binuksan sa madlang pipol last Sunday.

Kaya kung pinangarap mong maging housemate sa PBB, o ma-experience ang blind audition sa The Voice or sumabak sa Fast Talk questions ng Tonight With Boy Abunda, ito na ang inyong chance para maging bahagi ng mga paborito n’yong Kapuso shows dahil bukas na nga ang Studio XP sa TriNoma.

Ayon kay ABS-CBN Themed Experiences head Cookie Bartolome, nahahati ang bagong Studio XP sa tatlong bahagi—ang Retail, Fantasy, at Retail Studios—na mayroong 15 attractions at full scale set reconstructions na binuo para i-level-up ang ibibigay na Kapamilya experience Sa iisang lugar lamang.

“Naging inspirasyon namin ang mga Kapamilya na nagnanais na maranasan at nananabik masilip ang studios sa loob ng network. Sa pamamagitan ng Studio XP, nais naming ilapit pa ang ABS-CBN sa mga Pilipino,” kwento ni Cookie.

Present din sa event sina Karen Coloma, Licensing head at Ina Quioge, Licensing, retail & Storefronts head.

Sa loob ng Reality Studio, maaaring maging contestant sa Kapamilya shows: bilang housemate na may task sa PBB Breakout kasama si Kuya; at lumaban sa Minute To Win It: The Experience; at maging contestant sa The Voice Open Mic.

Bibida naman ang mga bisita na makikibahagi sa Star Lab, kung saan pwedeng maki-duet o umarte kasama ang Kapamilya artists, at magpatawa kasama ang cast ng Goin’ Bulilit.

Sa mga nais sumubok sa mga gawain sa likod ng camera, pwedeng pasukin ang It’s Showtime Director’s Booth at maging bahagi ng TV crew na haharap sa excitement at drama ng isang live production.

Tiyak na ma-eenjoy din ng mga bibista ang 80-seater Kapamilya Theater na magpapalabas ng 4D movies, live shows, at iba pang masasayang events. Tampok dito ang kauna-unahang 4D production ng bansa—ang ASAP 4D—na dito lamang pwedeng mapanood.

Sa hindi inaasahang araw at oras, maaaring makatanggap ang mga Kapamilya ng sorpresang live video call mula sa isang ABS-CBN star sa Celebrity Calling booth.

q q q

Samantala, tampok naman sa Fantasy Studio ang attractions para sa mahilig sa adventure, tulad ng Action Academy, isang obstacle course kung saan maglalaban-laban ang stunt trainees sa bilis at lakas mala-Cardo Dalisay o Darna. Ang mga batang may edad 12 pababa naman ay siguradong magsasaya sa Superheroes Playground habang pwede rin nilang subukan ang iba pang Studio XP attractions.

Bubungad sa 1,400 sqm-studio city ang Walk of Fame patungo sa Heritage Hall kung saan makikita ng mga bisita ang ilan sa vintage memorabilia at broadcasting equipment, partikular na ang Millennium Transmitter, isa sa tanyag na simbolo ng network.

Maaari ring mag-uwi ng souvenirs mula sa #Starsnaps photo booth kung saan pwedeng makakuha ng litrato kasama ang paboritong artista, at sa Star Catcher, isang claw machine tampok ang autographed items ng Kapamilya stars.

Ilan sa mga Kapamilya stars na nakisaya sa media day ay sina Robi Domingo na nag-host ng event, Kyle Echarri, Ylona Garcia, Elha Nympha at Jeremy Glinoga.

Maaari nang ma-experience ang Studio XP sa halagang P375 sa XPass Prime tickets para sa mga first-time visitors at P350 para sa mga nagbabalik na guests na may access sa lahat ng attractions maliban sa #Starsnaps at Star Catcher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang ABS-CBN Studio Experience ay nasa 4F ng Ayala Malls TriNoma. Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter at Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending