Itlog salatin para iwas sa testicular cancer | Bandera

Itlog salatin para iwas sa testicular cancer

- September 17, 2018 - 07:02 PM

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa kanilang dibdib para malaman kung mayroong bukol na maaaring kanser (breast self-examinations)?

Marahil ang hindi mo alam, dapat ding nagsasagawa ng pagsasalat ang lalaki sa kanyang sarili? Hindi sa dibdib kundi sa itlog.

Ayon sa Johns Hopkins Medicine maaaring agad na matukoy kung mayroong testicle cancer ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagsalat. Ang testicle cancer ang isa sa pinaka-karaniwang kanser sa mga kalalakihan at kung maagang matutukoy ay mas madali itong magagamot.

Payo ng testicular cancer expert na si Philip Pierorazio, mula sa Brady Urological Institute ng Johns Hopkins, gawing regular ang pagsalat sa itlog upang malaman kung mayroong pagbabago rito na maaaring kanser na.

Mataas ang survival rate ng testicle cancer pero makakatulong ang maagang pagtukoy sa kanser na ito upang mabawasan ang kinakailangang chemothe-rapy sessions at radiation.

Kung maaga rin na made-detect ang testicle cancer ay posible na surgery lang ang kaila-nganing gawin.
Hindi dapat mangamba kung mas malaki ang isa sa isa dahil ito ay normal. Madalas ding napagkakamalang problema ang epididymis o mga nakaumbok na mga ugat sa paligid ng itlog.

Ang epididymis ay bahagi ng reproductive system kung saan ang sperm o punla ay nagma-mature at natututong lumangoy.

Salat

1. Kakailanganin lamang ng dagdag na limang minuto sa paliligo para magawa ito. Makatutulong ang pagligo ng mainit na tubig dahil nare-relax ang scrotum at muscle na humahawak sa itlog u-pang makapagsagawa ng mabuting pagsasalat.

2. Umpisahan sa isang itlog. Kapain ang itlog upang malaman kung mayroon itong bukol. Madalas na hindi masakit ang cancerous tumor.

3. Kung magiging regular ang pananalat sa itlog ay mas madaling mapapansin kung mayroong pagbabago.

4. Maging mapagmatyag kung mayroong mararamdamang sakit o kung mayroong pagbigat ng itlog na maaaring dahil sa tumutubong
tumor.

5. Gawin din ang pagkapa sa kabilang itlog.

Maaaring gawin ang pagkapa sa itlog isang beses kada buwan upang mas madaling mapansin kung mayroong pagbabago.

Huwag ipagwalang-bahala kung mayroong nasalat. Mas makabubuti na magpakonsulta sa doktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang pag-aaral tumatagal ng apat hanggang anim na buwan bago magpapasuri ang isang lalaki sa doktor mula sa araw na napansin niya ang bukol. Ang panahong ito ay sapat na upang lumala ang kanser.

May mga pagkakataon na hindi kanser ang bukol pero mas makabubuti pa rin na kumonsulta sa doktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending