Coco tinupad din ang wish ni Mystica, pati asawa binigyan ng trabaho

September 17,2018
share this

Coco tinupad din ang wish ni Mystica, pati asawa binigyan ng trabaho

September 17,2018
share this

MULI, pinatunayan ni Coco Martin ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa mga kapwa-artistang nangangailangan ng tulong. Pagkatapos kunin ang child star na si Rhed Bustamante para mag-guest sa Probinsyano tinupad din niya ang wish ni Mystica.

Kinumpirma ng tinagurian noong “Split Queen” na nakausap na niya si Coco para sa pagbabalik niya sa akting. Sa kanyang Facebook post nitong weekend, ibinalita niya na lalabas na rin siya sa Ang Probinsyano.

Aniya, “My sincere thanks to Coco Martin for granting my wish to join the prime time TV show Ang Probinsyano. Hindi lang po ako ang tinulungan niya, kundi tinulungan na rin po niyang isama ang aking asawa na si Troy Montez aka Kid Lopez.

Wala pang sinabi si Mystica kung ano ang magiging role niya sa action serye ni Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending