Maricris Garcia hinding-hindi malilimutan ang La Diva: Sobrang espesyal siya!
SA pagdiriwang ng kanyang ika-11 taon sa showbiz, gaganapin ang unang major solo concert ng Kapuso diva na si Maricris Garcia, ang “MAR1CR1S” sa Teatrino, Greenhills sa Sept. 28.
Babalikan sa concert na ito ang nagdaang 11 taon ni Maricris sa industriya kasabay ng mga bigating performances. Sariling konsepto ng Kapuso diva ang kanyang concert, under the direction of Marc Lopez.
Itinanghal na grand champion si Maricris sa Pinoy Pop Superstar Year 3 noong 2007 at mula noon ay hindi na niya iniwan ang pagkanta.
“The show is going to be more of a story telling type. I want to share my journey since I started my career up to the present, as well as my personal life, my music influences, and more,” kwento ni Maricris sa nakaraang presscon ng “MAR1CR1S.”
Magiging special guests sa kanyang concert sina Nar Cabico, Mark Bautista at ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Dahil ipinagdiriwang din niya ang kanyang kaarawan ngayong buwan, handog ni Maricris ang concert sa kanyang sarili at sa lahat ng naging bahagi ng kanyang journey.
Naging masaya ang pagsabak niya sa pagpo-produce ng kanyang concert at nagpapasalamat siyang marami ang sumuporta rito, “During the first few months of planning, everything was easy.
“But as the days go by I’m started to feel the pressure and the stress. Good thing I have Artist Center and a few people who offered their help in making this concert possible,” aniya pa.
Ngayon, mas lumalim ang pagmamahal niya sa musika at nagpapasalamat siya sa pagkakataong ibahagi ito sa maraming tao. “I want to let them know that I’m still here and I will always be here, singing.”
Nakatakda ring maglabas si Maricris ng bagong kanta sa susunod na taon, at isasakto niya sa Valentine season.
Para sa tickets, maaa-ring tumawag sa 0917-8508747 o sa Teatrino sa numerong (02) 741 2949 local 116.
q q q
Samantala, inamin ni Maricris na bago makara-ting sa kaniyang ika-11 taon sa entertainment industry, marami rin siyang pinagdaanang pagsubok.
Kuwento niya, “Kagaya ng maraming journey, hindi naging madali, hindi lahat ng times nasa taas ka, minsan nasa baba ka pero ‘yun ‘yung magpapatibay sa ‘yo.
“’Yun ‘yung magpapalakas sa ‘yo. Minsan napapaisip ako, it’s been 11 years na pala. In my case ine-enjoy ko lang, ‘yung trials in-embrace ko siya kasi ‘yun ‘yung naghubog sa kung ano ako ngayon.
“’Yung pag-give up hindi pa naman pumasok sa isip ko pero ‘yung sinisisi ‘yung sarili maraming beses nang pumasok sa isip ko, parang ‘Ano bang problema sa akin?’ Pero hindi rin ako nawalan ng faith na kaya ko ito,” aniya.
Isa sa mga itinuturing niyang milestones sa career niya ay ang pagkakabuo ng grupo nila noon nina Jonalyn Viray at Aicelle Santos na La Diva. Kaya sa concert niya ay sigurado raw na babalikan niya ang bahaging ito.
“May part sa akin na ina-acknowledge talaga ‘yung pagiging La Diva ko, hindi puwedeng mawala ‘yun kasi for the longest time, siguro mga four or five years din kaming magkakasama, marami akong natutunan,” sey pa ni Maricris.
Wish nga ng fans, sana raw magsama-sama sila uli sa concert ni Maricris para kantahin ang OST ng pelikulang “DoReMi” nina Donna Cruz, Regine Velasquez at Mikee Cojuangco na “I Can”.
Maituturing ding Queen of Kapuso Teleserye Theme Song si Maricris, ilan sa mga kinanta niyang theme songs ay ang “Kung Sana Bukas” (Babangon Ako’t Dudurugin Kita), “Ibibigay Ko Ang Lahat” (The Half Sisters), “Iniibig Kita” (MariMar), “Ako’y Mahalin” (Destiny Rose) at ang “Huwag Kang Papatay” ng Ika-5 Utos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.