Sunshine di affected ang trabaho kahit bad-trip kay Cesar
TUTOK na tutok din ang viewers sa morning serye ng GMA na Kapag Nahati Ang Puso dahil sa mga intense scenes at mga nakakaintrigang rebelasyon.
Ayon sa production, may mga karakter na magpapaalam at meron ding magbabalik. Sinu-sino kaya ang mga ito?
Samantala, sinubukan mang manabotahe ni Miranda (Bing Loyzaga), hindi pa rin siya nagwagi dahil sa tulong nina Claire (Bea Binene) at Joaquin (Benjamin Alves) ay nahanap din ang nawawalang gown na gawa ni Rio (Sunshine Cruz).
Tuluyan na bang mananaig ang kasamaan ni Miranda lalo na’t nasa panganib ang buhay ni Nico (Zoren Legaspi)? Huwag palalampasin ang mga makapigil hiningang mga eksena sa Kapag Nahati Ang Puso sa GMA.
Speaking of Sunshine, kahit na may legal battle na ipinagla-laban para sa kanyang mga anak, hindi naman daw affected ang performance nito sa serye ng GMA. Nagagawa pa rin nito ang kanyang trabaho kahit na may pinagdaraanan sa personal na buhay.
Kamakailan ay naglabas ng sama ng loob ang aktres laban sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano dahil sa isyu ng sustento. Punumpuno na raw kasi siya kay Buboy dahil hindi nito sinusunod ang utos ng korte tungkol sa financial support sa kanilang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.