Department of Disaster Management dapat nang buuin
ANG pananalasa ng Typhoon Ompong (Supertyphoon Mangkhut) sa Northern Luzon at Central Luzon kung saan may 50 na ang iniulat na nasawi ay “wake-up call” sa ating lahat.
Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), si “Ompong” ang pinakamalakas na bagyo ng mundo
sa taong ito.
Kapansin-pansin na maganda ang ikinilos ng NDRMMC ngayon sa national level mula pagresponde, rescue at relief sa mga nasalanta.
Maging mga LGUs ay naging aktibo sa pagsasagawa ng forced evacuations patungong evacuation centers, maliban sa ilang residenteng matitigas ang mga ulo.
Kaya naman, kahit sa mismong sentro ng landfall na Baggao, Cagayan ay “zero casualty”. Dapat bigyang parangal ang dalawang “rescuers” na namatay habang nagliligtas ng buhay sa mga landslide incidents sa Cordillera.
Pasalamatan natin sila, kasama ng mga first, second at third responders, na nasa pa-nganib ang buhay at nagpuyat para maihatid ang mga kailangang rescue equipment pati mga relief goods.
Salamat din sa mga weather forecasters ng Pagasa na walang tigil ang serbisyong maihatid ang bagong balita sa bagyo, gayundin ang DSWD, Red Cross, LGUs at mga volunteers na nagbantay, tumulong para sa mga nasalanta.
Sana po’y ma-perfect na ang hinahanap na-ting iisang direksyon ng “national government”, at local government hanggang baranggay level kapag ganitong may kalamidad.
Sa ngayon kasi, isang adhoc at “coordinating agency” lamang ang NDRMMC sa pangu-nguna ng Office of Civil Defense (OCD)
kasama ng 40 sektor sa gobyerno, NGOs, Civic organizations at private groups.
Bukod dito, taun-taon ay paiba-iba ang inilalaang DRRM calamity funds sa kanila, P38.9-bilyon noong 2016, naging P15.7-bil-yon noong 2017 at P25.5-bilyon sa kasalukuyang taon.
Merong panukala si Presidente Duterte sa kanyang 2018 State of the Nation Address na magbuo ng Department of Disaster Management na Cabinet level para sa tinawag niyang “enhanced disaster resiliency at quick disaster response”.
Kaya lang, masyadong masalimuot at nagtatagal ang diskusyon sa
Kongreso
kung isasama rito ang Pagasa, Phivolcs, DSWD bukod pa sa isyu ng pondo.
Ayon naman kay Sen. Richard Gordon, “defensive” ang panukalang DDM dahil ang kailangan daw ay overall disaster risk reduction, hindi lamang “management”.
Sa ganang akin, napapanahon talaga ang mas epektibong NDRRMC tulad ng sa Amerika na Federal Emergency Management Autho-rity (FEMA), na ngayo’y nasa ilalim ng Dept. of Homeland Security.
Ang ahensyang ito ay may simpleng
“mission statement”: tulungan ang tao bago maganap, habang nagaganap, at matapos ang disaster.
Sila ang may sakop sa lahat ng disasters gaya ng bagyo, lindol, gawa ng tao, at maging “acts of terror”.
Hindi ko sinasabing kumopya tayo pero kahit mga Amerikano ay nagdaan din sa napakaraming “trial and error “ at i-nabot sila ng halos 173 taon mula 1803 hanggang 1979 nang i-sabatas ni US President Jimmy Carter ang FEMA.
Sa akin lamang, itigil na ang mga “adhoc” o “tuwing may bagyo lang nagtatrabaho” na siyang kalakaran sa NDRMMC, at solusyunan ang taun-taong problema.
Dalawampung bagyo lagi ang dumarating sa atin, bukod pa sa lindol, baha at maging acts of terror tulad sa Marawi, kailan natin seseryosohin ang pagharap sa mga disasters? Dumaan na tayo sa Yolanda, Mt. Pinatubo, ano ba ang prayoridad, bayan o pulitika?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.