Angeline Quinto maraming pinaiyak nang kumanta sa burol ng namatay na loyal fan
SOBRA kaming na-touch sa gesture ni Angeline Quinto na nagbigay-pugay sa isa niyang loyal fan na pumanaw na.
Bumisita si Angeline sa burol ni John Alfred who according to one website is one of the active members of Angeliners, isang fan club for the singer.
Sa kanyang pagbisita ay umawit nang acapella ng “Tanging Yaman” si Angeline. Sobrang na-touch ang mga nasa lamay sa pagmamahal na ipinakita ni Angeline sa kanyang very loyal fan.
We watched the video of Angeline singing “Tanging Yaman” at talaga namang nanindig ang balahibo namin. It was very heartfelt, tagos sa puso at talaga naming damang-dama mo ang kanyang rendition.
Maging ang netizens ay sobrang na-touch at napaluha sa ginawa ni Angeline.
“Katouch naman po ate Angge. Sana po pag ako din nawala na sa mundo, kumanta din kyo ni ate Yeng Constantino.”
“Very touching. Angge, you are a very wonderful person. Kaya maraming nag mamahal sa iyo.”
“Rest in Peace JA. Salamat Angeline Quinto.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.