Coco may 'panglaban' na rin kina Jessica at Korina | Bandera

Coco may ‘panglaban’ na rin kina Jessica at Korina

Cristy Fermin - September 16, 2018 - 12:30 AM

COCO MARTIN

Kung ang sigaw ni Jessica Soho ay “I-KMJS na ‘yan!” at ang litanya naman ni Korina Sanchez ay

“Pang-Rated K ‘yan!” ay may sariling bersiyon ng sigaw ang ating mga kababayan para sa sikat at matagumpay na aktor na si Coco Martin.

“I-Ang Probinsyano na ‘yan!” “Pang-Coco Martin ‘yan!” Ganu’n na ganu’n ang opinyon ng ating mga kababayan dahil sa sobrang ganda ng puso ng action star sa mga kasamahan niyang artistang walang trabaho at pinagkakakitaan.

Nu’ng minsang may nagkomento na tambakan daw ng mga laos na personalidad ang seryeng Ang Probinsyano ay nagwala ang mga tagahanga ni Coco Martin.

Komento ng isang sumasaludo sa kabutihan ng kalooban ni Coco, “Tambakan ng mga laos na artista ang serye niya? Puwes, ngayon lang tayo nakakita ng seryeng maraming hindi na usong artista ang kasama sa palabas, pero sobrang taas ng rating! May show bang nakaka-50% ang rating ngayon?

“Ilan na ba ang tumapat sa kanya, pero may nanalo ba o nakadikit man lang sa rating ng Ang Probinsyano?

Hindi lang ang mahusay niyang pag-arte ang nagdadala sa serye, ang puso niya na sinasaluduhan ng mga
Pilipino ang mas nagpapataas pa ng rating ng show!” madiing sabi ng tagasuporta ni Coco Martin.
May katwiran ang katwiran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending