Jo Berry, Kate Valdez may aaminin kay Regine | Bandera

Jo Berry, Kate Valdez may aaminin kay Regine

- September 15, 2018 - 12:35 AM


SIGURADONG good vibes na naman ang hatid sa lahat ng mga Kapuso viewers ng isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva ngayong Saturday morning.

They say, wherever you go, you must bring your own sunshine. At para patunayan ang kasabihang ito, bibisita ang Kapuso break-out star na si Jo Berry sa bahay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ngayong umaga.

Makakasama pa niya ang kanyang anak sa Kapuso primetime series na Onanay na si Kate Valdes sa pagdalaw sa Sarap Diva.

It’s a morning of fun and laughter plus lots of heartwarming stories about life, love and family.

Ise-share rin ni Jo Berry ang kanyang personal playlist na kakantahin para sa kanta ng Songbird kasama ang singer-comedian na si Echo.

Primetime leading man Juancho Trivino from top-rating Kapuso series Inday Will Always Love You also joins the fun in a spontaneous acting challenge with Jo, Kate, Terry Gian and Echo. Alamin kung sino ang papasang best actor at best actress sa kanila.

Kaya kung gusto n’yong tumawa, sumaya at ma-inspire, watch na ng Sarap Diva ngayong Saturday, 10:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga. Sarap Diva also airs on GMA Pinoy TV and GMA Life.

q q q

Speaking of Onanay, mas inaabangan ngayon ang kuwento ng serye sa Primetime block ng GMA dahil sa parami nang paraming mga sikretong nalalapit nang mabunyag.

Isa na rito ay ang kahilingan ni Natalie (Kate Valdez) na malaman kung sino ang sumaksak kay Helena (Cherie Gil). Marami ang humihiling na sana raw ay matuklasan na rin ng dalaga ang totoo nitong pagkatao para naman maging masaya na ito sa piling ng tunay na ina.

Isa pa sa inaabangan nila ay ang sumisibol na pag-asa para makalaya si Nanay Nelia (Nora Aunor) matapos makatanggap ng tulong si Maila (Mikee Quintos) mula sa pamilya ni Oliver (Wendell Ramos).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito na nga kaya ang simula ng pagbabago sa kanilang makulay at masalimuot na buhay? Abangan ang Onanay gabi-gabi sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Gina Alajar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending