P40.8M shabu nahukay sa QC | Bandera

P40.8M shabu nahukay sa QC

- September 13, 2018 - 04:27 PM

NAREKOBER ng mga pulis ang anim na kilong shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon na nakabaon sa lupa sa harap ng isang repair service building sa Barangay Fairview, Quezon City, Huwebes ng hapon.

Sinabi ng pulisya na dalawang hindi pinangalanang lalaki na nagtatrabaho sa isang drainage project sa harap ng isang Dancs Refrigerator Repair Service ang nakadiskubre ng 10 pakete ng pinaghihinalaang iligal na droga sa ilalim ng lupa.

Iniulat ni Danilo Sibug, may-ari ng gusali, ang nadiskubre sa mga pulis matapos alertuhin ng mga manggagawa, ayon sa mga otoridad.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon City Police kaugnay ng narekober na iligal na droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending