Hambog na male personality minalas, tambay-tambay na lang

By Cristy Fermin September 13,2018
share this

Hambog na male personality minalas, tambay-tambay na lang

By Cristy Fermin September 13,2018
share this

BIGLANG litaw, biglang lubog, ganu’n kung ilarawan ng halos lahat ang nangyari sa isang bagitong male personality na ngayon ay patambay-tambay na lang sa kanilang lugar.

Kumupas na ang ningning ng kanyang pangalan na pinaniwalaan niya, sumobra kasi ang kanyang kayabangan, kaya bigla ring nawala ang interes sa kanya ng publiko.

“Naku, waley na siya! Malapit lang sa amin ang bahay ng mokong na ‘yun, wala nang nagpupuntahan sa kanila, tahimik na ang buhay niya at mukhang nanahimik na rin siya.

“‘Yan ang napapala ng mga taong wala pa ngang napapatunayan, e, umaastang forever na ang popularity. Nasaan na siya ngayon?” tanong-opinyon ng isang source.

Sinadya nu’n ng bagitong personalidad ang pamimintas sa mga artistang sikat para madamay ang pangalan niya sa mga kontrobersiya. ‘Yun ang gimik niya pero, wala ring kinapuntahan ang kanyang pangarap, nganga na siya ngayon.

Sabi naman ng isang impormanteng nakakasama namin sa trabaho, “Ayun, inirereklamo na niya ang manager niya, naghahabol siya sa talent fee raw niya na hindi ibinigay sa kanya.

“Kung makapagsalita ang hitod na ‘yun, e, akala mo naman milyones ang hinahabol niya, ‘yun pala, e, kinse mil lang! At nakakaloka siya, ha?

“Nakapilikmata pa siyang fake nu’ng magreklamo, akala niya, e, pagkakaguluhan siya, pero sorry na lang sa kanya, waley!

“Mas inuna pa niya kasi ang kahambugan, umasta siyang sikat na sikat na, samantalang meron na ba siyang markadong napatunayan? Feeling ang hitod na ‘yun! Parang in na in na siya sa showbiz, e, napakarami ngang may gustong pumitik sa ilong niyang fake!

“At dahil peke nga lang ang itsura niya, e, kapansin-pansing humuhulas na ang beauty niyang ipinangangalandakan! Natutukan lang siya ng mga ilaw dahil sa kakaibang transformation ng itsura niya, e, sobrang umangas na!” panghuling chika ng aming impormanteng nakataas ang kilay sa tenth floor.

Simpleng-simpleng hulaan kung sino ang hambog na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walk in the park lang ang peg!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending