3 Taiwanese, 1 Pinay arestado sa pagta-transport ng shabu component
ARESTADO ang tatlong Taiwanese national at isang Pinay sa Infanta, Quezon, Lunes ng umaga dahil umano sa pagbibiyahe ng mga kemikal na ginagamit sa produksyon ng shabu.
Naaresto ang mga suspek habang sakay ng isang shipping vessel na nakadaong sa Lamon Bay sa Barangay Dinahican, Infanta, ganal na alas-4 ng umaga, ayon sa ulat ng DZMM.
Base sa imbestigasyon mula sa Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) namonitor ng mga pulis ang mga aktibidad ng mga suspek ilang buwan bago ang nangyaring operasyon.
Ayon pa sa ulat, ginagamit ng barko ang isang fishing business permit bilang front para magdeliber ng mga kemikal para sa shabu sa Infanta.
Inaalam pa ng pulisya kung saan dinadala ang mga kemikal at saan ginagawa ang shabu.
Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.