Bukod kina Gelli at Rayver marami pang Kapamilya ang lilipat sa GMA?
FULL circle na matatawag ang TV career ni Gelli de Belen. Nagalugad na kasi niya ang major networks finally landing on GMA na muling binalikan niya.
Huling napanood si Gelli sa magkasunod na teleserye sa ABS-CBN, na kung tutusi’y long overdue na.
Still fresh in our memory ang off-cam tsikahan namin noong magkasama kami sa programang Tweetbiz sa GMA Pinoy TV. Gelli joined the reformatted TMZ-inspired talk show until it aired its last episode.
“Kaeskuwela” namin si Gelli in a “backstage class” without a professor, guess what our common subject was.
Kuwento niya noon ay may planong isabak siya sa isang teleserye sa ABS-CBN, but it was still on the drawing board. At mukhang hindi rin ‘yon natuloy for some unexplained reason.
Next thing was, nagpa-presscon na ang staff ng tatampukan niyang programa sa TV5, ang Gellicious. Sa pamagat pa lang, the viewer would know it had something to do with food. Hindi rin nagtagal sa ere ang show na ‘yon. Saka rin lang nagkaroon si Gelli finally ng regular show sa ABS-CBN.
We had seen a few glimpses of her in FPJ’s Ang Probinsyano, a follow-up to her initial assignment. Kaso, “one of those” lang si Gelli roon playing a dispensable, deglamorized character.
At kelan pa ba ‘yon? Matagal-tagal na rin. For a working parent like Gelli, she can’t afford to bide her time nang walang trabahong maaari niyang pagkakitaan, not one you might think na magugutom. Pero sa isang tulad ni Gelli, sayang naman ang kanyang kalibre kung maisasantabi lang ‘yon.
But why go back to GMA is a sidebar to this main item.
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na hindi lang si Gelli na mula sa ABS-CBN ang lumipat o lilipat pa lang sa GMA. Nauna na si Carmina Villaroel, Gelli’s closest friend. Even their twins followed suit. Recently, lumipat na rin si Rayver Cruz.
Ewan kung may bahid ng katotohanan ang tsikang ‘yon sa amin, but there’s an unrest among the talents of ABS-CBN. Iisa-isahin namin ng issue.
Among the three major TV stations, pinakamataas ang advertising rates ng ABS-CBN. But why is it strange kung paniniwalaan ang aming source na nagkakaroon daw ng problema ang Kapa-milya Network sa pera?
Related to this, gaano katotoo na nagsisiguro na ang mga advertisers dahil sa nakaambang non-renewal ng prangkisa ng istasyon na alam naman nating pinag-iinitan ng kasalukuyang administrasyon? Bagama’t sa 2020 pa naman ‘yon, tension is gripping the station, its employees and its talents.
Ang paglipat ba ni Gelli sa GMA and the expected exodus ng marami pang artista roon ay may kaugnayan sa magiging kapalaran ng ABS-CBN between now and the apocalyptic year?
So, ang ibig bang sabihin ay ang ABS-CBN lang ang namumroblema, at ang GMA ay kampante lang?
With the transfer of artists expected to snowball in the coming months, ang pinoproblema naman daw ng Kapuso Network ay kung paano pa nila ia-accommodate considering na marami na ngang homegrown talents doon need to be given jobs, tapos ay tatambakan pa sila?
May ripple effect siyempre ang sitwasyon should ABS-CBN face closure. Natural, pati ang mga kapatid nitong kumpanya ay apektado. At sa inaasahang rigodon, tanging GMA lang ang kanilang refuge o masisilungan obviously because TV5 has long before frozen its production.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.