Pepe Herrera naging marupok sa ‘kalandian’ ni Ritz Azul

By Jun Nardo September 09,2018
share this

Pepe Herrera naging marupok sa ‘kalandian’ ni Ritz Azul

By Jun Nardo September 09,2018
share this


NAGBAWAS ng timbang si Ritz Azul bilang preparasyon sa unang mainstream movie niyang “The Hopeful Romantic.” Isang sexy gold digger ang ginagampanan niya kaya kailangang maging kaakit-akit ang kanyang dating.

“Ang mahirap lang po for me, physically dapat mukha akong sexy sa screen, so nag-struggle din ako to lose weight kasi sobrang lumaki ako for a while before gawin ‘yung movie.

“And nahirapan ako kasi sobrang kabaligtaran ko sa role sa totoong buhay. Naging kumportable ako sa mga katrabaho ko kaya nag-swimsuit ako,” pahayag ni Ritz sa unang sabak niya sa pagpapaseksi sa big screen.

Ayon naman kay Pepe Herrera na partner ni Ritz sa movie, naging marupok siya sa mga malalanding eksena nila ng aktres dahil para sa kanya, 110 percent desirable ang kanyang leading lady, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending