Kapatid na babae ni Cesar kontrabida sa mga diskarte ni Sunshine bilang ina

By Cristy Fermin September 09,2018
share this

Kapatid na babae ni Cesar kontrabida sa mga diskarte ni Sunshine bilang ina

By Cristy Fermin September 09,2018
share this


MARAMING magkarelasyong personalidad na nagkahiwalay na pagkatapos ng kanilang hiwalayan ay muling nagkakasundo. Nagiging magkaibigan sila, may komunikasyon, lalo na kung para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Mahabang panahon nang may kani-kanyang buhay sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, nagkasuhan na sila at nagkasundo para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak, pero hanggang ngayon ay napakagulo pa rin ng kanilang sitwasyon.

Sabi, para raw maging maayos ang magkabilang panig ay kailangang sila lang ang nag-uusap, dapat ay hindi kasama ang kanilang mga abogado. Mas gumugulo raw kasi ang usapan kapag may mga abogadong nanghihimasok sa sitwasyon.

Paano naman kapag may mga nakikialam na kadugo ang magkabilang panig? Paano kung mas nagsasalita pa ang mga kapamilya kesa sa mga taong direktang sangkot sa usapin?

Matagal nang kontra-pelo si Sunshine at ang kapatid na babae ni Cesar. Never silang nagkasundo. May parunggitan palagi ang dating maghipag.

Hindi kaya panahon na para pagbawalan ni Cesar na makisawsaw sa kanilang problema ni Sunshine ang kapatid niya?

Baka sakaling makatulong ‘yun para hindi na nila ipinaglalantaran pa ni Sunshine ang mga personal nilang problema sa social media.

Baka lang naman mas maging epektibo ang ganu’n.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending