Kim Chiu nagpaka-fan girl kay Stephen Curry

September 09,2018
share this

Kim Chiu nagpaka-fan girl kay Stephen Curry

September 09,2018
share this


NAGPAKA-FAN girl si Kim Chiu nang magkaroon ng chance na makita up close and personal ang Golden State Warriors star ng National Basketball Association na si Stephen Curry.

Bumisita ang NBA superstar sa Pilipinas last Friday para i-promote ang kanyang ineendorsong sapatos. Kasabay nito, um-attend din siya sa opening ceremonies ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa MOA Arena.

Umaga pa lang ay excited na si Kim at nag-post agad ng video kung saan suot pa niya ang kanyang Golden State Warriors shirt. Narito naman ang bahagi ng kanyang caption: “That feeling na happy ka kasi nasa Manila si Steph Curry pero wala ka naman ticket so hanggang TSHIRT ka lang!!!

“That feeling na same gym kayo ng pinupuntahan ni Steph Curry pero 4 a.m. na nasa daan ka pa 8 a.m. siya sa gym so hanggang TSHIRT ka na lang!!!”!

At ang sumunod na IG post ni Kim ay ang picture na nila ni Curry. Caption ng Kapamilya actress sa kanyang IG photo, “O..M…G to the nth level!!!!

“#StephenCurry in the HOUSE!!!!!! @stephencurry30 #ngitingtagumpay.

“I really don’t have an idea of meeting him today in person, accept defeat na ako but tito @bcloma called me this afternoon saying may ticket siya so since the shoot got cancelled, I re-sched my ASAP reh and went straight to MOA!!!!

“Who would have thought from #thatfeeling#hanggangTshirtnlng will became reality!!!

“He is super nice, takes pictures here and there with autograph pa on the side!!!!

“Grabe roller coaster fan girl experience!!! Love his family!! Hi @ayeshacurry thank you again and again @bcloma love you soo much!!! #stephencurryinmanila #sc30asiatour,” sey pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending