Netizen na namintas sa katawan ni Iza Calzado napahiya | Bandera

Netizen na namintas sa katawan ni Iza Calzado napahiya

Cristy Fermin |September 05,2018
facebook
share this

Netizen na namintas sa katawan ni Iza Calzado napahiya

Cristy Fermin - September 05, 2018 - 12:01 AM


BUHAY na buhay si Iza Calzado sa seryeng Ngayon At Kailanman kung saan siya ipinakitang pinaslang sa kotse sa unang gabi ng palabas.

Sabi na nga ba, hindi tatanggapin ng manager niyang si Noel Ferrer ang proyekto kung sa unang gabi pa lang ay mamamatay na ang magandang aktres, hindi puwede ‘yun.

Ipinakikita na ngayon si Iza Calzado bilang kapitbahay ni Christian Vasquez, may gusto siyang matuklasan, sa istorya ay siya ang ina ni Julia Barretto na nakatakdang magkamal ng kayamanan bilang mana sa ama nitong namatay.

Napakaganda ni Iza Calzado sa kahit anong anggulo, mahal na mahal siya ng mga camera, may make-up man siya o wala. Hindi naghahanap ng anggulo ang kagandahan ng magaling na aktres.

Minsan pang pinatunayan sa publiko ni Iza Calzado sa anumang sitwasyong ibinabato laban sa kanya ay kailangang nakaposisyon siya sa mas mataas na lebel.

Nang may mamintas sa kanyang katawan sa isang retratong ipinost niya ay siguradong napahiya ang pintasera, baka nagsisi pa nga ito sa panglalait kay Iza Calzado, dahil sa halip na mambastos pabalik ang magandang aktres ay nagpakita siya ng pagiging edukado.

Ganu’n ang pagtrato sa mga taong walang magawa sa buhay. Panalo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending