Jolo nagpasalamat kay Jodi pero tumangging sumagot kung pwede pang magbalikan | Bandera

Jolo nagpasalamat kay Jodi pero tumangging sumagot kung pwede pang magbalikan

Reggee Bonoan - September 05, 2018 - 12:01 AM

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

IPINAGPALIBAN muna ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ang pagpunta sa Harvard University sa Boston, Massachusetts para sa short course ng Leadership. Ngayong Setyembre na kasi ito magsisimula.

Inisip namin na isa sa dahilan kaya iniurong muna ni Vice Jolo ang pag-alis ay sa dahil promo period na ng pelikula nilang “Tres” na mapapanood na sa Oktubre kasama ang mga kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla produced by Imus Productions.

Trilogy ang “Tres” at si Jolo nga ang bibida sa episode na “72 Hours”, sa “Amats” magpapakitang-gilas sa aksyon si Luigi at sa “Virgo” naman bibida si Bryan.

Caption ni Jolo sa kanyang Instagram account kung saan ipinost niya ang poster ng kanilang movie, “#Tres hitting Philippine cinemas, soon! Needed to share with you the excitement that our movie, a passion project of Imus Productions is finally showing. This movie is dedicated to every Filipino family. Kayo po ang inspirasyon namin sa pelikulang ito. Coming this October.”

Samantala, kahit na nakagawa na ng mga pelikula at regular ding napapanood si Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi naman niya napapabayaan ang pagsisilbi sa mga taga-Cavite dahil hindi siya nawawala sa lahat ng session.

Sa solo presscon niya kahapon para sa “Tres” sinabi niyang number one priority pa rin niya ang pagiging public servant, “Hindi ko naman po siyempre pwedeng pabayaan ang trabaho ko sa Cavite, sila pa rin po ang una sa mga priorities ko as vice-gov.”

Kamakailan ay pinarangalan siyang Outstanding Local Legislator for 2018, sabi niya sa kanyang speech, “Buong puso ko pong inaalay ang parangal na ito sa aking pamilya, mga tagasuporta, at higit sa lahat, sa aking mga kalalawigan na walang sawang naniniwala at nagtitiwala sa inyong lingkod.

“This shall serve as an affirmation of our passion and commitment to serve our province, our people and our country,” dagdag ng binatang aktor-politiko.

Siyempre hindi rin nawawalan ng oras si Jolo para sa nag-iisang anak na si Gab dahil ipinangako na niya na tuwing Linggo ay father and son bonding nila.

Nakakatuwa nga dahil may ipinost si Jolo na litrato nila ng anak na naka-wacky pose, “Playing wacky in our bonding time. I feel like time has flown so fast. Can you please not grow up yet? Wonderful weekend. My son Gab and steak on a Sunday.”

Samantala, nakiusap naman si Jolo sa members ng entertainment media na dumalo sa presscon na ibalato na lang sa kanya ang tungkol sa kanyang lovelife, partikular na ang paghihiwalay nila ni Jodi Sta. Maria.

Nagpasalamat siya kay Jodi sa lahat ng magagandang memories at habangbuhay daw niya itong ite-treasure. Nang matanong kung may posibilidad pang magkabalikan sila, tugon ng binata, “Ibalato n’yo na lang po sa akin yun.”

Inamin din ni Jolo na na-consider din si Jodi para maging leading lady niya sa “Tres” pero hindi raw swak ang schedule ng aktres dahil nga meron itong teleserye ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Rhian Ramos ang katambal ni Jolo sa “Tres”. Sabi ni Vice-Gov, maganda ring abangan ng manonood kung magkikita-kita sa movie ang tatlong Revilla brothers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending