AYAW na lang magpakanega ni Jake Zyrus kahit na nga patuloy siyang nagiging biktima ng diskriminasyon bilang isang transman.
Meron daw talagang mga tao na wala nang respeto at pagmamahal sa kanilang kapwa kahit na wala namang ginagawang masama sa kanila. Ayon kay Jake, mula nang umamin siya sa tunay niyang pagkatao, walang araw na hindi siya nakakatanggap ng pang-aalipusta at panglalait mula sa mga bashers.
“You have no idea like what some people messaged me. Kung mayroon tayong word na discrimination, it’s more than that. And to think that sometimes they put those insults, below-the-belt words along with God. And that upsets me,” ani Jake sa panayam ng GMA.
Isang halimbawa raw ng diskriminasyon na na-experience niya ay nang magpunta siya sa isang public comfort room sa ibang bansa.
“I go to London, I go to e-verywhere and kapag nagsi-CR ako, I can go to the male restrooms. I get the look, pupunta ka pa lang mapapaurong ka na. You know where I go, sometimes like in public, I’m gonna be honest, sometimes I go to handicapped (CR),” umiiling na paliwanag ng singer.
“And I guess no matter how we say it, hindi ako ‘yung tao na magpapabago ng mga isip ng mga tao. And wala akong karapatan din na baguhin yung paniniwala nila,” malungkot na pahayag pa ni Jake.
Pinipilit na lang niyang intindihin ang mga ganitong eksena sa kanyang buhay dahil talagang hindi naman niya kayang kontrolin ang utak ng mga tao. Sa ngayon, mas nagpo-focus na lang siya sa mga blessings na dumarating sa kanya.
Kabilang na riyan ang kanyang Japanese movie na “Yaru Onna” (She’s the Killer). Makakasama niya rito si Kang Jiyong, dating member ng K-pop girl group na Kara.
“When they handpicked me for the role, sabi nila na ‘yun nga, bagay raw sa akin. They were very nice. They were very respectful. Alam naman natin ‘di ba ‘yung mga Japanese talaga napakakalmado talagang katrabaho and sobra ‘yung alaga talaga nila sa amin,” kuwento pa ni Jake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.