Mikee ‘inatake’ nang makaeksena na si Cherie sa Onanay ng GMA 7 | Bandera

Mikee ‘inatake’ nang makaeksena na si Cherie sa Onanay ng GMA 7

Ervin Santiago |September 02,2018
facebook
share this

Mikee ‘inatake’ nang makaeksena na si Cherie sa Onanay ng GMA 7

Ervin Santiago - September 02, 2018 - 12:10 AM

NANGYARI na nga ang inaabangan ng lahat ng Kapuso viewers—ang gawin ni Cherie Gil ang iconic niyang eksena sa “Bituing Walang Ningning” nang pagtatapon ng tubig sa kahit na sinong co-star niya sa Onanay.

Pero ang nasampolan nito sa kuwento ay ang Kapuso youngstar na si Mikee Quintos na gumaganap bilang si Maila anak ng bulinggit na si Onay (Jo Berry).

Maraming fans ang humanga sa naturang eksena pero si Mikee, aminadong sobrang takot ang naramdaman nang i-shoot ang eksena. Gayumpaman, muling napabilib si Mikee ng itinuturing niyang isa sa mga idolo sa showbiz. Kuwento ni Mikee iba raw ang naging atake ni Cherie sa iconic scene pero naramdaman niya talaga ang bigat ng emosyon nito.

Dahil dito, mas lalo raw tumindi ang paghanga niya kay Cherie. Looking forward daw siya sa mas marami pang challenging scenes sa Onanay, kabilang na ang mga eksena niya with Jo at ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor?

Bukod dito, tinututukan din ang mga eksena nila ni Kate Valdez sa serye lalo na ngayong mortal na silang magkaaway. Napapanood ang Onanay sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending