Laos na sexy star nilaglag ang kaibigan matapos pakinabangan | Bandera

Laos na sexy star nilaglag ang kaibigan matapos pakinabangan

Cristy Fermin - September 01, 2018 - 12:15 AM

KAHIT pala ang malalapit niyang kaibigan ay hindi nagkagusto sa ginawang pagtalak-talak on national television ng isang dating nagpapaseksing personalidad laban sa kanyang dating kaibigan.

Sa lahat ng tao ay hindi siya ang inaasahan ng kahit sino na magsasalita laban sa kanyang dating kaibigan dahil napakalaki pala ng ginanansiya niya mula sa negosyante.

Kuwento nga ng isang very close sa female personality, “Siya ang pinakahuling taong iniisip naming hindi magsasalita laban du’n sa babae dahil super-close sila dati.

“Walang panahon ang paglalambing niya du’n sa tao, kahit hindi niya naman birthday, e, nanghihingi siya ng regalo! Kapag may nagustuhan siyang branded stuff, agad na siyang magbibilin du’n sa dating friend niya kapag umuuwi dito,” napapailing na kuwento ng aming source.

At sa lahat pala ng nakipagnegosyo sa nasabing babae ay siya ang may pinakamaliit na ipinuhunan, pero kung makapagsalita siya ay parang ilampung milyong piso na ang singilin niya, du’n naiinis sa kanya ang mga taong nakakaalam ng katotohanan.

“Saka kumita siya nang napakalaki mula sa taong ‘yun, hindi niya binibilang ang kinita niya, ang alam lang niya, e, ‘yung kuno-kuno, e, balance pa sa kanya nu’ng tao!

“Kung totoong kaibigan siya, alam niya na ngang down ‘yung babae, e, di sana, hindi na siya nakisabay pa sa kaguluhan! Pero siya pa ang nanguna, siya pa ang unang nagdikdik du’n sa tao, siya pa ang may pinakamalakas na talak!

“Sabi nga ng mga kaibigan niya, e, sinamantala niya ang pagkakataon para lang mapag-usapan siya. Wala na kasing balita tungkol sa kanya dahil La Ocean Deep na ang career niya!

“Sana man lang, e, kinausap niya na lang nang personal ‘yung tao, naglinawan na lang sana sila, wala namang hindi naaayos na problema kapag may communication ang nagbabanggaang puwersa, di ba?

“Hmph! Isa lang ang masasabi ko, super-nakakainis talaga siya! Inis na inis sa kanya ang mga kaibigan niya, sa totoo lang!” pagtatapos na chika pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapag naupo pa naman kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, e, talaga na lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending