Joross, Roxanne muling sumabak sa drama, bibida sa MMK | Bandera

Joross, Roxanne muling sumabak sa drama, bibida sa MMK

- September 01, 2018 - 12:20 AM

MULING magtatambal sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Isang nakakahangang kwento ng ama na bagama’t nahihirapan ay labis na pinapahalagan ang pagtataguyod ng kanyang pamilya ng hindi nakaasa sa iba ngunit mapi-pilitang isantabi ang sariling paniniwala upang gawin ang lahat para sa kaligtasan ng anak na nagkasakit.

Bilang ulirang tatay, pinagsisikapan ni Hercules (Joross) na mapunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Bagama’t mahirap ay kumakayod siya para sa pang araw-araw na gastusin at sa pantustos sa pag-aaral ng kanyang mga anak at sa mga pangangailangan ng asawang si Jucel (Roxanne).

Subalit, darating ang malaking pagsubok sa pamilya nina Hercules at Jucel sa malubhang pagkakasakit ng kanilang anak. Mangangailangan sila ng malaking pera na nagkakahalaga ng P1.2 milyon para sa operasyon ng anak.

Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Hercules para maipagamot ang anak? Paano kaya nila mapagtatagumpayang mag-asawa ang matinding pagsubok na ito?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Jamila Obispo, Sofia Reola, Raine Salamante, Krystal Mejes, JJ Quilantang at Rafael Robes, sa direksyon ni Mervyn Brondial at sa panunulat nina Arah Jell Badayos at Akeem Jordan del Rosario.

Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending