NAKAKULONG ang ilang mga Asian nurses ngayon sa Saudi Arabia dahil sa pagsusumite nila ng mga pekeng work certificates.
Nabuko ang ilang mga Indian at Pinoy nurses dahil sa isinagawang screening ng Ministry of Health.
Gayong nagtutugma naman ang kanilang mga skill qualification at academic records, nadiskubreng dinuktor ng mga ito ang haba ng kanilang work experience.
Dinagdagan nila iyon dahil mas malaki daw ang tsansa nilang matanggap sa trabaho kung matagal na at mahabang taon na silang nagtatrabaho.
May mga katrabaho din silang ginawan din nila ng pekeng dokumento, ngunit hindi nila alam iyon, kung kaya’t nadamay pa ang kaawa-awang mga nurses.
Sabi pa ng Ministry of Health, nadungisan ng mga nurse na ito ang magandang imahe na una na nilang naipakita sa Saudi.
Nakakulong ang mga nahuling nurses sa Makkah, Riyadh, Eastern Province, Qasim
at iba pang rehiyon.
Nakalulungkot ang ganitong mga balita. Nang dahil sa kawalan nila ng katapatan, sinira nila ang mabuting pa-ngalan at mabuting
reputasyon sa kanilang industriya.
Totoo naman na may mga kababayan talaga tayong handang gawin ang lahat, makapag-abroad lamang.
Pero wala naman talagang sikretong maitatago! Lalabas at la-labas iyon. Palaging may mapait na kabayaran ang pagsisinu-ngaling.
Tulad ng isang OFW sa Singapore. May 10 taon na siyang nagtatrabaho doon. Mahilig siyang makipag-inuman sa kaniyang mga katrabaho. Kapag nalalasing siya, palagi niyang
ipinagyayabang na puro peke o fake ang mga dokumentong isinumite niya.
Dahil sa labis na pagkainis ng kapwa OFW sa kayabangan ng naturang Pinoy, isinumbong siya nito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan.
Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang kumpanya at isinumbong siya sa mga awtoridad.
Nang mapatunayan na puro fake nga ang mga dokumentong isi-numite, agad siyang
ipinadeport at blacklisted pa ng mahabang mga taon.
Labis ang kalungkutan ng OFW. Hindi nga naman napapanahon ang pagbabalik niya ng Pilipinas. May binabayaran siyang bahay at hinuhulugang kotse.
Sising-sisi siya sa kaniyang kayabangan at kasinungalingan, dahil iyon din ang nagpahamak sa kaniya.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.