HELLO Ateng Beth,
Tungkol po ito sa problema ng kaibigan ko na galing ng ibang bansa. OFW po siya, at kakauwi lang dito sa Pilipinas.
Ang kaso po ay sa amin siya dumiretso dahil hindi siya makauwi dahil buntis siya.
May asawa at mga anak na itong kaibigan ko. Hindi siya makauwi sa kanilang bahay dahil nga sa sitwasyon niya.
Maski sa kanyang mga magulang ay hindi rin siya makauwi. Natatakot daw kasi siya. Wala pang nakakaalam ng kanyang kalagayan ngayon maliban sa akin. Ano bang pwede kong ipayo sa kanya? Gusto ko siyang tulungan.
Marie, Pasay City
Magandang araw sa iyo, Marie.
Ateng Marie, sa totoo lang, sabihin mo kaagad diyan sa friendship mo na hindi niya pwedeng panghabambuhay na itago ang batang nasa kanyang sinapupunan.
Naiintindihan natin na hindi niya basta pwedeng ibuyangyang sa pamilya niya ang kalagayan niya ngayon.
Pero darating at darating ang panahon na kailangan niyang ilabas ang katotohanan sa kanyang pamilya and eventually sa bata mismo.
Sa totoo lang bihira naman ‘yung one time big time di ba, if you know what I mean.
So ibig sabihin hindi naman isang beses niya lang ginawa ang makipag-sex sa lalaking hindi niya asawa.
Sana nung mga panahong iyon, I mean, in between ng mga panahong gumagawa siya ng bata, naiisip niya na may asawa siya at anak. This is not condemning her, but reality check lang.
Sana rin, yamang may anak na siya, dapat alam niya ang consequence ng pakikipag-sex at pagbubuntis.
Gumamit man lang sya ng contraceptives. (Ipinalalagay ko na hindi siya biktima ng pang-aabuso o panggagahasa, dahil wala ka namang binanggit na ganun di ba). Sa madaling sabi ginusto niya rin iyan, ang kaso di lang siya nag-ingat.
So wala na nga tayong magagawa, dahil naririyan na yan. Kaya ang tamang gawin lang niya ay umuwi siya sa bahay nila at ipagtapat ang kanyang kalagayan. We’ll never know kung anong mangyayari until she spill the beans.
Unahin niya munang sabihan yung magulang nya siguro, para medyo may support system na siya pag ipinaalam niya sa kanyang at sakaling magwala.
Hopefully, wag siyang itakwil ng kanyang magulang. (Wala naman yatang magulang na kayang magtakwil ng anak…)
Yun ang tulong na magagawa mo sa kanya. Dahil sinusuportahan mo na sya, hindi naman pwedeng ikaw ang sumalo sa responsibilidad niyang iyan. Siya lang ang tanging makagagawa niyan. Good luck!
Para sa komento at suhestiyon sumulat po lamang sa [email protected] o kaya ay sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.