SUGATAN ang isang paring Katoliko nang hampasin at pagnakawan pa ng mga naka-motorsiklong holdaper, sa Isabela City, Basilan, Miyerkules ng gabi.
Dinala sa ospital si Rev. Fr. Euclid Dueñas Balosbalos, ng Santa Isabel Cathedral, dahil sa pinsala sa mukha, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-10:30, sa bahagi ng highway na nasa Escolastica, Brgy. Menzi.
Nagmomotorsiklo ang 45-anyos na si Balosbalos, nang buntutan at hampasin sa mukha ng dalawang lalaking sakay ng isa pang motor, ayon sa ulat.
Nang matumba ang pari, tinangay ng mga salarin ang kanyang sling bag na may lamang cellphone, driver’s license, at aabot sa P200 cash, ayon sa pulisya.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.