Mystica ipinakulam ng kapitbahay kaya bumalik ng Manila, ulo napuno ng kuto | Bandera

Mystica ipinakulam ng kapitbahay kaya bumalik ng Manila, ulo napuno ng kuto

Cristy Fermin - August 30, 2018 - 06:31 PM

MYSTICA

Marangal na trabaho ang pagtitinda. Walang masama sa pagbebenta ng kung anu-ano basta legal ang mga produkto. Hindi lang siguro matanggap ng mga bashers na mula sa pag-split-split ni Mystica habang sumasayaw-kumakanta ay nakikita na siyang nagluluto-nagtitinda ng fried chicken ngayon.

Legal ang kanyang trabaho, nagtayo siya ng tindahan para mapagkunan ng kanyang pang-araw-araw na panggastos, walang masama sa kanyang nililinyahan ngayon.

Inalat kasi ang kanyang singing career, wala nang kumukuha sa kanya kahit sa mga probinsiya na dati niyang pinagrereynahan, alangan nga namang magmukmok na lang siya sa isang sulok at magutom?

Pinagdiskitahan ng ating mga kababayan si Mystica nang mag-post siya ng isang video na pinagmumumura niya si Pangulong Rodrigo Duterte nu’ng kumakandidato pa lang ito. Parang wala nang bukas sa kamumura ni Mystica, maihahambing siya sa mga kabataang lalaking mura rin nang mura sa pangulo para sa legalisasyon ng marijuana, hindi ‘yun makalimutan ng mga kababayan natin.

Bago nagtinda ng fried chicken sa isang garahe si Mystica ay napakarami muna niyang pinagdaanang kuwento. Naging relihiyosa siya, nang-iimbita ng mga magpapagamot sa kanya, dahil nakapagpapagaling daw siya ng mga maysakit.

May kuwento rin siya na isang gabi raw ay nakita niya ang kanyang ulo na punumpuno ng kuto, ipinakulam daw siya ng isang kapitbahay niya na inggit na inggit sa kanya, kaya siya nagdesisyong umalis na sa probinsiya at magbalik na sa Maynila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending