LPA, malakas na bagyo binabantayan ng PAGASA
ISANG low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ang LPA ay nasa layong 1,000 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar kahapon ng umaga.
Lalo namang lumakas ang typhoon Jebi na patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility. Umaabot sa 140 kilometro bawat oras ang bilis nito at pagbugsong 170 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Upang iakyat sa kategoryang super typhoon, ang hangin ng bagyo ay dapat lumagpas sa 220 kilometro bawat oras.
Ngayong araw, ang bagyo ay nasa layong 3,030 kilometro sa silangan ng hilagang Luzon. Maliit ang posibilidad na ito ay pumasok sa PAR subalit maaari nitong palakasin ang Hanging Habagat na magpapaulan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.