Paninigarilyo, pag-inom bawal sa white sand ng Boracay-Puyat
SINABI ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na bawal na ang paninigarilyo at pag-inom sa kahabaan ng puting buhangin ng Boracay sa muling pagbubukas nito sa Oktubre 26.
“Definitely no more smoking and drinking sa white beach. Why? Because this is a public beach,” sabi ni Puyat sa isinagawang #MeetInquirer multimedia forum.
Idinagdag ni Puyat na sakop ng ban hindi lamang ang beach, kundi maging ang mga pampublikong lugar sa Boracay.
“They can smoke and drink where they stay, in the private, but the long beach has to be protected. Ito very sure ito, no smoking and drinking in the public places,” giit ni Puyat.
Idinagdag ni Puyat na tinatayang 5,000 kuwarto lamang ang papayagang magbukas sa Oktubre 26.
“October is only a soft opening … How can you rehabilitate an island under a state of calamity in only six months?” dagdag ni Puyat.
Sinabi pa ni Puyat na bawal na ang mga tinaguriang “LaBoracay” party, kung saan nagsasagawa ng mga party at pagtitipon para sa mahabang Labor Day weekend kung saan aabot sa 60,000 hanggang 70,000 turista ang nasa isla sa loob ng tatlong araw.
Idinagdag ni Puyat na unang phase pa lamang ang pagbubukas sa Oktubre 26, samantalang mangyayari ang ikalawang phase sa Abril 26, 2019, at hanggang sa katapusan ng 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.