BINABANTAYAN ang bagong bagyo na pinangalanang Luis matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Hindi inaasahan na daraan sa kalupaan ng bansa ang bagyo na nag-landfall kaninang umaga sa Kaoshiung, Taiwan.
Palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa maraming lugar sa Luzon lalo na sa La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes at Babuyan Islands at Codillera Administrative Region.
Ang sentro ng bagyo ay nasa layong 290 kilometro sa hilaga-hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR. Ito ay nasa layong 1,465 kilometro sa silangan ng northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.