UPANG tuldukan na ang alegasyon na arte lamang ang kanyang pagkakasakit para payagang manatili sa ospital at hindi ipasok sa kulungan, ipinakita ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga peklat na iniwan ng kanyang operasyon.
Ipinakita ni Arroyo ang mga peklat sa kanyang leeg sa programa ng mamamahayag na si Arnold Clavio sa telebisyon matapos ang tatlong operasyon.
Si Arroyo ay kinailangan ding magsuot ng neck brace at mag-wheelchair matapos ang operasyon.
“Oh so ikaw nga [ang] unang nagpakita sa buong mundo ‘yung gaano kalaki ‘yung … kahaba ‘yung operasyon [ko] sa likod,” ani Arroyo. “Oh! Oh! Oh! Ayan! Ayan! Napakita mo na noon eh!”
Nilagyan ng titanium plate ang gulugod ni Arroyo upang maibsan ang pananakit na nararamdaman ng dating Pangulo.
Muli ring iginiit ni Arroyo na hindi siya tatakbo sa pagka-Prime Minister gaya ng mga alegasyon matapos siyang manalong speaker.
Ipinunto pa ni Arroyo na wala namang posisyong PM sa ipinanukalang Charter change.
“Eh ‘yung mga nagsasadbi nu’n, ‘yun ang gusto talagang magkaroon ng kontrobersya,” ani Arroyo. “Tingnan naman ‘yung draft ng ConCom (Constitutional Commission). Hindi naman parliamentary (form of government), presidential. So ako, wala akong balak tumakbo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.