Serye ng JoshLia inabangan ng madlang pipol | Bandera

Serye ng JoshLia inabangan ng madlang pipol

Reggee Bonoan |August 22,2018
facebook
share this

Serye ng JoshLia inabangan ng madlang pipol

Reggee Bonoan - August 22, 2018 - 12:10 AM

WAGI sa national ratings game ang pilot episode ng Ngayon At Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto na umere nitong Lunes. nakakuha ito ng 31.2%, base sa datos ng Kantar Media.

Sabay-sabay na pinanood ng cast ng Ngayon At Kailanman ang pilot episode kasama ang ilang bloggers at entertainment press na ginanap sa Dolphy Plaza kaya maririnig ang reaksyon ng bawa’t isa habang pinapanood ito.

Malinaw agad ang pagkakakilalanlan sa mga karakter ng serye, si Iza Calzado (Rebecca) ang nanay ni Julia (Eva) at si TJ Trinidad (Rodrigo) ang tatay niya na nag-iisang anak ni Dante Rivero (Don Julian) na pinamanahan ng malaking halaga, negosyo at ari-arian.

Asawa naman ni Dante si Rosemarie Gil (Doña Carmen) na may anak sa pagkadalaga, si Christian Vasquez (Hernan) na asawa naman ni Alice Dixson (Stella). Anak nila sina Jameson Blake (Oli) at Joshua (Inno).

Sinundo ni PJ Abellana (Alfred) ang pamangking si TJ matapos mamatay ang tatay nito pero ilang araw na ang nakararaan ay hindi pa bumabalik kina Iza na ikinabahala ng nobyang taga-probinsya.

Lumuwas ng Maynila si Iza kasama ang sanggol na anak at pinsan (Nico Antonio) para puntahan si TJ pero hindi sila pinapasok sa mansion kaya napilitang umalis na lang pero sa hindi malamang dahilan ay sinundan sila ni Manuel Chua (Joey) para patayin. Kinuha nito ang sanggol.

Obviously kaya pinapatay si Iza ay para walang ebidensiya at walang maghahabol sa naiwang kayamanan ni TJ. Pero dahil sanggol pa si Julia kaya inuwi siya ni Manuel sa kanyang asawa (Mercedes Cabral) at itinuring na anak.

Marahil ay nalaman ng pamilya Cortes na buhay pa ang tunay na tagapagmana na si Julia kaya pinahanap ulit ang pamilyang kumupkop sa bata kaya pilit na binabawi pero hindi ibinigay ng mag-asawa. Laging ibinibilin ni Mercedes sa batang Eva (Sophia Reola) na kapag may gulong mangyayari ay sumakay sa bangka nila at lisanin ang isla.

Hanggang sa napadpad si Eva sa isang isla at dito niya nakita ang batang umiiyak na si Inno (Andrez del Rosario) dahil naaawa siya sa kapatid na sumasailalim noon sa bone marrow transplant. Sa nasabing isla ay maraming taong papunta sa isang daang maliwanag at nang papunta na si Inno na kaagad pinigilan ni Eva dahil hindi raw iyon ang tamang daan pauwi.

Hanggang sa nabuhay si Inno at successful din ang bone marrow transplant para sa kapatid na si Oli. Nagpalutang-lutang ulit sa dagat si Eva sakay ng bangka hanggang sa nakita siya ng mag-asawang Rosa (Rio Locsin) Abel (Dominic Ochoa).

Ang lupang kinatitirikan ng bahay nina Rosa at Abel kasama ang ibang kabaryo ay sapilitang kinukuha ni Dona Carmen at inatasan ang manugang na si Stella para paalisin silang lahat at dito na nag-umpisa ang gulo.

Nagkita sina Inno at Eva sa rally at nagtaka nga ang dalawa dahil tila may nararamdaman silang kuneksyon sa isa’t isa.

Anyway, magkatapat pala ang mga programa nina Ms. Rosemarie at anak na si Cherie Gil (Onanay) kasama ang Superstar na si Nora Aunor. Kaya pala may biruan kaming narinig, “Malalaman kung kaninong show ang magre-rate, ‘yung sa ina o sa anak?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagbitaw si Iza ng, “Tandaan ninyo, babalik ako!” sa blogcon na ibig sabihin ay mabubuhay siya at maghihiganti.

Kaya abangan simula Lunes hanggang Biyernes ang Ngayon At Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending