Aktor-politiko nagkamal ng yaman sa ilegal na paraan, biglang naghirap dahil sa sugal | Bandera

Aktor-politiko nagkamal ng yaman sa ilegal na paraan, biglang naghirap dahil sa sugal

Cristy Fermin - August 21, 2018 - 12:15 AM

SA isang malaking umpukan ng magkakahalong bisita mula sa mundo ng pulitika at mga artista ay naging paksa ang isang male personality na nagkamal nang limpak-limpak na salapi nang pasukin niya ang serbisyo-publiko.

Sobra-sobrang biyaya kuno ang tinatanggap nu’n ng aktor-pulitiko dahil sa dami ng kanyang raket sa siyudad na pinaglilingkuran niya. May mga front lang siya pero ang lahat ng mga biyaya ay sa kanyang kaban pumapasok.

“Kung tutuusin, e, sobra-sobrang pera ang nakukuha niya, pero hindi siya maingat, nagbisyo siya. Napakalaki ng itinatapon niyang salapi, sugal siya nang sugal, puwedeng sa casino o sa mga pribadong lugar na silang magkakaibigan lang ang naglalaro.

“May mga pagkakataong natatalo siya nang milyunan, taya pati ang sasakyan niya at mga suot na alahas, ganu’n kung matalo si ____ (pangalan ng aktor-pulitiko). Parang balewala lang sa kanya ang mga ipinatatalo niya dahil sa dami ng raket na pinanggalingan ng isinusugal niya.

“Sayang na sayang ang naipon niya, nauwi lang sa wala, marami namang nagpapayo sa kanya na tumigil na siya sa kasusugal pero wala siyang pinakikinggan,” simulang chika ng aming source.

Kung gaano siya katagal na nagserbisyo sa siyudad ay ganu’n din katagal ang agos ng mga biyaya sa kanya. May legal, may ilegal, pero ang lahat ay sa kanya napupunta.

“Ang mahirap lang sa taong ‘yun, e, mapagsolo siya, hindi siya marunong mag-share, hindi siya generous, samantalang nakaupo lang naman siya at naghihintay ng mga parating.

“Ano tuloy ang nangyari sa kanya? Sa kasusugal niya, pati ang mga nabili niyang properties, naisangla na niya, naibenta na niya ang iba pa, ewan lang kung meron pang natira sa kanya.

“Hindi siya nag-ingat, hindi naman sa lahat ng panahon, e, nakaposisyon siya, kulang na kulang siya sa paghahanda para sa future niya at ng pamilya niya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino siya. Galing siya sa wala, dumating ang suwerte sa kanya, pero hindi pa niya inayos ang buhay niya,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending