NAGKAROON ng delay ang pagdating at pag-alis ng mga tren ng Metro Rail Transit 3.
Ayon sa advisory na ipinalabas ni Department of Transportation-MRT, sinabi nito na nagkaroon ng problema ang signaling system sa linya.
“This causes the accumulated train delays and piling up of trains in the said station,” saad ng advisory.
Noong linggo ay nagkaroon ng signaling problem ang isang tren kaya pinababa sa Shaw Boulevard station ang 600 pasahero nito.
Umabot sa 175,820 pasahero ang sumakay sa MRT noong linggo. Ang mga tren nito ay naka-107 ikot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.