Meralco Bolts, NLEX Road Warriors habol ang ika-2 diretsong panalo | Bandera

Meralco Bolts, NLEX Road Warriors habol ang ika-2 diretsong panalo

Melvin Sarangay , |August 19,2018
facebook
share this

Meralco Bolts, NLEX Road Warriors habol ang ika-2 diretsong panalo

Melvin Sarangay - , August 19, 2018 - 12:29 AM


Mga Laro Ngayon
(Ynares Center, Antipolo City)
4:30 p.m. North Port vs NLEX
6:45 p.m. TNT vs Meralco

MAHABLOT ang ikalawang sunod na panalo ang hangad ng Meralco Bolts at NLEX Road Warriors sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors’ Cup ngayon sa Ynares Center, Antipolo City.

Unang sasalang sa alas-4:30 ng hapon na laro ang Road Warriors na makakasagupa ang North Port Batang Pier na sisimulan ang kanilang kampanya ngayong kumperensiya katuwang ang import nitong si Rashad Woods.

Makakaharap naman ng Bolts sa alas-6:45 ng gabi na laro ang sister team nitong TNT KaTropa.

Hindi makakasama ng NLEX sina Paul Asi Taulava at head coach Yeng Guiao na parehong nakasama sa national team sa 18th Asian Games subalit inaasahan na magiging handa pa rin sa laban ang Road Warriors kahit na posibleng hindi paglaruin ang import nitong si Olu Ashaolu.

Sinandalan ng Road Warriors, na hindi pa rin magagamit ang backcourt tandem nina Kevin Alas at Kiefer Ravena, ang matinding paglalaro ni Ashaolu na nagtala ng 33 puntos at 23 rebound sa panalo kontra KaTropa, 103-90, noong Biyernes ng gabi.

Ang Nigerian-Canadian na si Ashaolu ay nakatakda namang palitan matapos magtamo ng knee injury sa kanilang tuneup game kontra Meralco dalawang linggo na ang nakalipas.

Binuhat naman nina Allen Durham at Baser Amer ang Bolts sa pagwawagi kontra Columbian Dyip, 109-106, noong Biyernes ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending